Kaya atras maging dyowa… KRIS, AMINADONG MAGIGING KAHIHIYAN LANG NI MAYOR VICO
- BULGAR

- Feb 5, 2021
- 4 min read
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | February 5, 2021

Sumalang na rin sa Jojowain o Totropahin challenge si Kris Aquino habang kumakain sila ng bunsong anak na si Bimby na panay ang side comments, hahaha!
Bakit ba sa mga ganitong challenge ay laging nauunang itanong si Piolo Pascual na halos lahat, ang sagot ay jojowain? Ang daming may gusto kay Papa P, huh?
Anyway, hindi rin nagpahuli si Kris dahil, “Without a doubt talaga, jojowain ko siya,” aniya patungkol kay Piolo.
Sabi ni Bimby, “He’s very noble.”
Sagot kaagad ng mama niya, “We’re not asking for your opinion, Bimb, this is mine," sabay baling sa camera, "Hi, Papa P.”
Sabi pa ni Kris, “Pakikisamahan ko buong pamilya mo (Piolo), your mom likes me ‘coz your mom likes my mom.”
Type rin ni Kris si Alden Richards, “Wala ito sa edad ha, jojowain because of Hello, Love, Goodbye (movie with Kathryn Bernardo). Saka ang cute ng dimples niya at ang kinis niya, kasingkinis ko siya. Ay, talagang kinompeyr ang sarili kay Alden, oh.”
Siyempre, hindi rin naman pahuhuli si John Lloyd Cruz, “Jojowain! Yes! And you know why, nabalitaan ko lang, very generous siya, hahaha! Saka Year of the Pig din siya, eh, so para kumpleto na kami kasi pig si Kuya (Josh), pig si Bimb at pig ako at siya rin. Hi, JLC.”
At kung marami ang may gusto kay Coco Martin, hindi kasama si Kris sa kanila dahil, “Tropa kasi generous siya sa tropa niya. Maalaga siya sa tropa niya, so totropahin ko siya (sabay hanap ng regalo na ibinigay ng aktor). Nu’ng nakatrabaho ko siya (sa Kung Tayo’y Magkakalayo nu'ng 2010), binigyan niya ako ng Orlina (sculpture). Take note, pink. Tropa pa lang ‘yan, ha? He has taste, yes, tropa.”
Mahilig si Kris sa komedyante dahil type niya ang humor ni Empoy Marquez pero nag-isip munang mabuti bago sumagot, “You know why, ang bait niya and he makes me laugh kaya puwede ko siyang jowain.”
Sambit naman ni Bimby, “Kindness goes a long way.”
Sang-ayon naman ang Queen of Social Media, “Yes, nice siya talaga. Oo, gustung-gusto ko talaga ‘yung ugali niya, magaan siya, ayoko ng mga pabigat!”
Nabanggit ang pangalan ni Willie Revillame sabay tingin ni Kris sa anak na ang sabi ay, “Wala na akong paki, mom, hahaha!”
At nang sabihin ni Kris na jojowain, “Yeah, he's very generous," ang sabi ni Bimb.
“I know that he has his money and we have our money and then I also know na with him, you know what you’ll getting yourself into kasi hindi naman nambobola, alam naman nating babaero siya, so, what’s the big deal? (Natawa si Bimb). At least I know, mas okay na sa akin na huwag kang magpanggap na ito ako, eh, 'di ‘yun. Feeling ko naman, he’ll treat you (Bimb) and Kuya well.
“Hindi lang kami magkakasundo in a sense na hindi siya mahilig matulog (sabay hirit ni Bimb, that’s what we noticed kasi even 6 AM or 4 AM, he’s awake). Eh, ako, ang hilig kong matulog. Pero gusto ko rin kasi malinis at maayos siya sa bahay, ayoko ng madudumi,” paliwanag ni Kris.
Hindi naman pala type ni Kris ang lalaking sa tingin niya ay mas maganda sa kanya tulad ni Gabby Concepcion.
“Totropahin kasi takot ako sa mas maganda sa akin. He’s not handsome, eh, he’s beautiful,” sambit ni Kris.
Say naman ng anak, "There’s a big difference in beauty and handsome."
"‘Yung mukha niya, beautiful, eh, kasi ‘yung kutis, ‘yung lips, ‘yung nose, ‘yung mata. Kung naging babae ‘yan, Miss Universe ‘yan (kaya), 'no! 'Pag magkatabi kami sa picture, hindi ka na mapapansin, ayaw ko, gusto ko, pansinin ako,” katwiran pa ni Kris.
Ayaw ni Kris sa pulitiko tulad ni Senator Antonio Trillanes IV.
“Kasi ayaw ko nang dumalaw sa kulungan," ani Kris kaya sinita siya ni Bimby.
"That’s how my life Bimb as a child," sagot naman niya kay Bimb.
“At this point in my life, I don’t want to repeat that experience no more, pinagdaanan ko na ‘yun from 1 until I was 9 (years old). And now that I’m hitting the half century mark one assassination in the family is enough.”
Muntik namang mabilaukan si Bimb sabay sabing "Cheers everybody."
Iniwas naman ni Kris si Pasig City Mayor Vico Sotto sa kahihiyan kaya mas okay na lang na maging tropa sila.
“Kasi bilib na bilib ako sa trabaho niya, sa ginagawa niya, sa humility niya and kung ako, maging asawa niya, magiging minus ako sa kanya kasi mapipintasan (Vico), ‘Bakit ganyan ang asawa, ang arte? Ang simple-simple ni Mayor.' O, 'di ba? Kawawa naman si Mayor,” paliwanag ng mama ni Bimb.
At pati si Senator Bong Go ay kasama sa mga ipinasagot kay Kris.
“Kaya kong sagutin ‘yan kasi makinis siya. Sorry, ha? I know this is mababaw pero ayaw ko talaga ng ma-pimples. Importante talaga sa akin na makinis ‘yung kutis.
“Eh, si Bong Go, feeling ko mahilig siyang maligo kasi makinis talaga ‘yung skin niya and he’s been nice to us at ang dating niya, hindi siya mayabang. So, gusto ko siya because how he treated me before Noy (P-Noy) became president, when I go to Davao to meet with them, campaign period, when Noy was president and I went there (Davao) and he was assigned by Presidente Duterte, was mayor Duterte then, to make me ikot and take care of me, brought me pa to Pastor Quiboloy ((Apollo) to that mountain and all, hindi niya ako pinabayaan and until now, he’s still nice, walang nagbago sa kanya.
“Sabi ko sa sarili ko, ‘Okay ‘tong lalaking ‘to kasi wala naman siyang pakinabang sa akin and yet, he’s still safe, nice, so, for me, ‘yun ang mga gusto kong tao and skin matters! Kung nawi-weirdo-han kayo sa akin, it’s my choice, tinanong n’yo ako, ako naman ‘yung magjo-jowa, hindi naman kayo,” natatawang paliwanag ni Kris.
At habang nagpapaalam na si Kris ay humirit si Bimby, “Don’t forget, good skin, hahaha!”
Sa huli ay si Papa P pa rin ang pinili ni Kris.
May disclaimer din siya na huwag seryosohin ang mga nabanggit niyang jojowain dahil laro lang ito at may bilin siya sa mga planong magka-jowa na piliin nang mabuti ang jojowain.





Comments