Kay Ruru naman… YASSI, LEADING LADY NOON, KATAPAT NA NGAYON NI COCO
- BULGAR
- Oct 29, 2023
- 1 min read
ni Ambet Nabus @Let's See | October 29, 2023

Pilyang-pilya naman si Gladys Reyes sa biro nito kay Coco Martin.
Sey ng magaling na aktres, “Dahil hindi mo ako iniimbita diyan (Batang Quiapo), tatapatan ka na lang namin nitong Black Rider.”
Of course, binibiro lang ni Gladys ang produ-writer-director at bida ng series na ayon pa kay Gladys, “Masarap katrabaho at inirerespeto ko talaga.”
Suwerte nga raw siya dahil nanalo pa siya ng award du’n sa Summer MMFF movie niya with Coco.
But this time, parehong action series ang magtatapatan sa primetime ng GMA-7 at ABS-CBN.
Legit na mga action stars ang nakasuporta kay Ruru Madrid bilang si Black Rider.
Nandiyan sina Raymart Santiago, Zoren Legaspi, Gary Estrada, Raymond Bagatsing at Monsour del Rosario na noon ay naging mga action heroes sa movies nila.
Tapos kasama rin sina Empoy Marquez, Jon Lucas, Rio Locsin, Joem Bascon, Katrina Halili at Yassi Pressman nga na sumikat ding leading lady noon ni Coco sa Ang Probinsyano.
“O, ‘di ba, ganu’n kabongga ang cast? Kaya siguro naman, kahit paano, may mayayanig din ‘noh,” hirit naman ng iba pang kasama nina Gladys et. al.
Comments