top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kay LJ, tumagal nang 5 yrs… RELASYONG PAOLO AT YEN, TINANINGAN NG NETIZENS, 2 YRS. LANG!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 30, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 30, 2022




Hindi pa rin nakakaligtas sina Paolo Contis at Yen Santos sa mga netizens na tumututok sa kanilang bawat kilos at galaw. Inaabangan ng lahat ang sightings na sila ay magkasama kahit hindi pa umaamin sa kanilang relasyon.


Recently ay may lumabas sa social media na larawan nina Paolo at Yen na kuha sa isang mall na HHWW (holding hands while walking). Kaarawan ng nanay ni Paolo noon at sa isang mall ginanap ang reception.


Isinama ni Pao sa nasabing okasyon ang rumored GF niyang si Yen Santos. Malinaw pa sa sikat ng araw na malalim na ang kanilang relasyon at hindi na lang “as a friend” ang kanilang status.


Ang tanong naman ng mga naging saksi sa mga unang relasyon ni Paolo Contis ay hanggang kailan tatagal ang relasyon nila ni Yen?


Kung ang pagsasama nila ni LJ Reyes ay bumilang nang limang taon at nagkaroon pa sila ng isang Baby Summer, ilang taon kaya magiging bahagi ng buhay ni Paolo si Yen? Papayag din kaya ang aktres na magkaroon ng anak kay Paolo?


Ngayon pa lang ay tinataningan na ng mga bashers ang relasyong Paolo Contis-Yen Santos. Dalawang taon lang daw ito tatagal. At kung may bagong artista na ipapareha kay Paolo, tiyak na hihiwalayan din niya si Yen tulad ng ginawa niya noon kay LJ Reyes.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page