top of page

Kay Kathryn nali-link pero… MAYOR MARK, SI SANYA ANG KASAMA NG 3 BESES

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | November 24, 2025



BIDA - REGINE, GALIT NA GALIT, SINISISI ANG MGA KORUP SA PAGBAHA SA CEBU_FB Regine Velasquez-Alcasid

Photo: FB Regine Velasquez-Alcasid



Nagrereklamo ang mga fans ni Kathryn Bernardo na patuloy na inili-link ang aktres kay Lucena Mayor Mark Alcala. 


Kahit walang makitang ebidensiya, walang maipakitang photo o video na magkasama ang dalawa, paniwala pa rin ang mga netizens na sina Kathryn at Mayor Mark na.


Bakit daw si Sanya Lopez, hindi nali-link kay Mayor Mark gayung 3 times na silang nakitang magkasama? Bakit hindi si Sanya ang gawan ng isyu sa mayor?


Napanood namin ang isang video nina Sanya at Mayor Mark, pero there was nothing romantic sa video, nag-usap at nagtawanan lang ang dalawa. 


Sa isang event yata ‘yun dahil maraming tao sa kanilang paligid.

Anyway, speaking of Sanya, tampok sila ni Elijah Canlas sa Berbalang episode ng KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie


Sa direction ni Dodo Dayao, produced ito ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.

Ang dalawa pang episodes ay ang Pocong na bida si Miguel Tanfelix at ang Sanib na bida si Jillian Ward. 


Ang Berbalang daw is for the woke, ang Pocong is for the breadwinners at ang Sanib is for the GenZs.



Misis, matapang daw…

MARIEL, LAST LOVE NA RAW NI ROBIN



Birthday ni Robin Padilla kahapon, pero sabi nito, November 30 siya nagse-celebrate ng birthday. 


Ganunpaman, binati pa rin siya ng asawang si Mariel Rodriguez sa birthday niya kahapon. May pa-surprise rin si Mariel at ang kanilang mga anak sa kanya habang nasa loob siya ng banyo. 


May cake at balloon ang mag-iina ng senador.

Sabi ni Mariel, “Happy birthday to my husband, my hero, my protector, my biggest blessing. A truly honest, humble, and loving man who is always ready to sacrifice for others. A patriot

with the sweetest heart.


“Thank you for growing with me, for understanding me, and for always leading with kindness. I love you @robinhoodpadilla.”


Si Mariel ang last love ni Robin. Ito ang sinabi niya nang ipa-describe ang mga naging leading ladies at ex-partners.


“Matapang si Mariel. Iba ang generation nila. Confrontational, ‘di s’ya martir. 

 Inglesera ‘yun at hindi napapagod magsalita,” dagdag ni Robin.


Nasa Viva Entertainment office si Robin noong November 21, for the contract signing ng collab niya at ng kanyang RCP International Film Productions sa Viva Films. 

He is set to make five films at unang maire-release ang Bad Boy 3 (BB3)


Tapos na ang movie na 11 years in the making at nasa post-production na lang.

Si Robin ang tumututok sa movie na ang description niya ay puro barilan. 

Sa Thailand gagawin ang post-prod dahil gusto ni Boss Vic del Rosario na mala-Hollywood ang datingan ng comeback movie ni Robin.


Sina Boss Vic at Vincent del Rosario ang naunang bumati ng happy birthday kay Robin. 

For his birthday greetings, sabi ni Boss Vic, “I’m proud of you. Ang payo ko lang sa ‘yo, ‘wag kang gagawa ng hindi maganda. I’m happy he’s back, matagal na s’yang hinihintay ng tao.”

Ayon naman kay Robin, “Heto na ang best birthday gift sa akin. Wala na akong pinangarap kundi makabalik sa Viva Office at nangyari na nga.”


Ikinatuwa rin ni Robin Padilla na makita ang mga kaibigang reporters na kung tawagin niya ay ‘ka-batch’ o ‘ka-liga’.


Ang request niya that time ay walang usapan at tanong tungkol sa pulitika, na sinunod ng press.



HINDI pa yata alam ng mga fans ni Kathryn Bernardo na ang pangalan ng karakter ni Kaila Estrada sa Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRR:EO) ay ‘DJ Katherine’. 


Siguradong may reaction ang mga fans ni Kathryn at iisipin nilang ginamit ang pangalan ng ex-GF ni Daniel Padilla para pag-usapan at sumikat si Kaila.


DJ yata ang role ni Kaila sa 2025 episode na tampok siya sa nasabing entry ng Regal Entertainment sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya may DJ bago ang name niya. 


Of course, alam natin na DJ ang tawag kay Daniel Padilla na nali-link kay Kaila ngayon. ‘Kaaliw ang nakaisip na DJ Katherine ang ipangalan sa karakter ni Kaila Estrada. 


May reaction ang mga fans at pagsisimulan ito ng ingay at away. In fairness, may recall agad at hindi magagalit ang mga fans ni Daniel Padilla at matutuwa pa nga ang mga KaiNiel (Kaila at Daniel) shippers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page