top of page
Sharlene San Pedro - IG.jpg

Kay Dominic noon, kay Vincent ngayon… BEA, ISINUMPA RAW NG EX KAYA LAGING NAUUDLOT ANG KASAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 1, 2026



TEKA NGA - BEA, ISINUMPA RAW NG EX KAYA LAGING NAUUDLOT ANG KASAL-IG _beaalonzo

Photo: FB Cristine Reyes



Marami ang labis na nagtataka kung bakit nauudlot lagi ang planong pagpapakasal ni Bea Alonzo. Lagi na lang siyang sawi sa larangan ng pag-ibig. 


Hindi natuloy ang kasal sana nila ni Dominic Roque, naudlot din ang pagpapakasal niya sa Spain last May 16 sa billionaire businessman na si Vincent Co. Lagi na lang may aberya at hadlang kapag nagpaplano na siyang magpakasal.


Kaya naman isang psychic o fortune teller ang na-curious at binasa ang tarot card ng aktres upang tuklasin ang dahilan kung bakit nangyayari ito.


Ayon sa reading, si Bea ay isinumpa diumano ng isa niyang dating karelasyon dahil nasaktan ito nang husto. 


Hangga’t hindi siya napapatawad ng nasabing ex ay hindi siya liligaya sa pag-ibig. Kailangan daw niyang makatagpo ng tunay na pag-ibig na handa siyang ipaglaban upang makawala sa sumpa. 


Sa ibang aspeto ay masuwerte si Bea Alonzo. Patuloy ang kanyang mainit na career bilang aktres at maganda rin ang takbo ng kanyang negosyo. Milyones pa ang kanyang kikitain.





TAMA lang na mag-react si Dolly Anne Carvajal na anak ng yumaong Queen of Intrigue na si Ate Luds a.k.a. Inday Badiday sa pagbanggit ni Sen. Miguel Zubiri sa pangalan nito sa gitna ng kaguluhan sa pagpili ng Senate president dahil ‘circus’ daw ito. 


Iba’t ibang isyu ang lumutang at kani-kanyang paliwanag at depensa ang mga senador. Tinawag din ng ilan na fake news ang mga kumakalat na tsismis, at binanggit na isa lamang itong kuwentong mala-Inday Badiday.


Kaya naman, hindi ito nagustuhan ni IC Mendoza. Bilang apo ni Inday Badiday, tinawag niya ang pansin ni Sen. Migz Zubiri sa pagbanggit sa pangalan ng kanyang lola. Agad namang nag-issue ng apology ang senador sa pamilya ng OG (original) Queen of Intrigues.


Sa mundo ng showbiz, nagmarka si Inday Badiday sa kanyang mga programang See-True (ST) at Eye-to-Eye (ETE) sa GMA-7. Binansagan din siyang ‘Queen of Talk’ bago nailipat ang korona kay Kris Aquino na naghahatid ng maiinit na balita sa showbiz.





DAPAT talagang bigyan ng parangal sa gaganaping 17th Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Music ang tatlong music icons na sina Celeste Legaspi, Andrew E. at composer na si Mon del Rosario. Sila ang tatanggap ng Lifetime Achievement Award sa awards night na gaganapin sa Teatrino Promenade sa Greenhills, San Juan sa June 25.


Ang sikat na rapper-composer na si Andrew E. ay nakilala sa ilang novelty hits na kalauna’y ginawang pamagat ng mga pelikula noong dekada ‘90. Kabilang dito ang Humanap Ka ng Panget, na naging isa sa kanyang pinaka-popular na kanta at kalaunan ay ginawang pelikula. 


Sumunod ang Mahirap Maging Pogi, na naging pamagat din ng comedy film na pinagbidahan niya. 


Naging bahagi rin ng kanyang film-related projects ang Alabang Girls, na mula sa kanyang hit novelty rap.


Ang mga naturang awitin ay naging bahagi ng golden era ng novelty rap sa Pilipinas, kung saan naging epektibo ang pagsasanib ng musika at pelikula sa kanyang karera bilang performer at aktor. 


Samantala, si Ms. Celeste Legaspi ay hinangaan sa kanyang mga Tagalog songs tulad ng Mamang Sorbetero, Saranggola ni Pepe, at Handog ng Pilipino sa Mundo, at marami pang iba. Hanggang ngayon, patuloy na tinatangkilik ang kanyang mga awitin ng mga Pinoy.


Ang veteran composer-musical arranger naman na si Mon del Rosario ay pinararangalan sa industriya ng musika dahil sa kanyang malaking ambag sa OPM (Original Pilipino Music) at pelikulang Pilipino.


Kilalang lumikha siya ng mga klasikong awitin na naging bahagi ng soundtrack ng mga pelikula at tumatak sa mga tagapakinig noong dekada ‘80 at ‘90.


Kabilang sa kanyang mga pinasikat na komposisyon ang Isang Linggong Pag-ibig at Tamis ng Unang Halik na nagamit sa mga pelikula at teleserye.


Ang Lifetime Achievement Awards ng PMPC ay ibinibigay sa mga artists na may malaking ambag at impluwensiya sa musikang Pilipino sa loob ng maraming taon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page