Kay Cong. Dan noon, kay Mayor Albee raw ngayon…SIGAW NG NETIZENS: IVANA, MAHILIG PUMATOL SA MAY SABIT NA PULITIKO
- BULGAR
- Feb 16, 2024
- 2 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | February 16, 2024

Sang napakatamis na pagbati ang ipinost ng aktor at Victorias City, Negros Occidental mayor na si Javi Benitez para sa kanyang actress girlfriend na si Sue Ramirez sa kanyang Instagram nu’ng Valentine’s Day.
Ipinost ni Javi ang picture nila ni Sue na nakaupo sa private plane na for sure, pag-aari ng pamilya ng una at magka-holding hands pa sila.
Caption ni Javi, “Before the day ends…. Happy Valentine’s Day, my love,” na may kiss at heart emojis sa dulo.
Sa comment section ay ni-reply-an ito ni Sue, kaya lang, may kasamang sad and crying emojis.
“I love youuuu,” reply ni Sue sa Instagram post ng boyfriend.
Hindi siguro magkasama sina Sue at Javi nu’ng Valentine’s Day. Baka may work si Sue that time habang ‘di naman makaalis si Mayor Javi for a commitment sa kanyang mga constituents.
Samantala, pinapurihan ni Javi ang kanyang ina at misis ni Bacolod City Mayor Albee Benitez na si Nikki Benitez.
Caption ni Javi sa picture nila ng kanyang mommy, “We're as shocked as everyone because this wasn't spoken about in private, but mom, I want you to know that I thank you and love you for all that you have done for our family. We know how much you have sacrificed for me and Bettina. I am eternally grateful.”
Ipinost ni Javi ‘yan nu’ng pumutok ang isyu sa tatay niya at sa sexy star na si Ivana Alawi kamakailan.
Nagandahan ang mga netizens sa mommy ni Javi na low profile at very rare makita ang picture sa socmed.
Dagsa rin ang bashing ng mga netizens kay Ivana sa Instagram post ni Mayor Javi.
“Sana 'yung babae d'yan, respeto po sa kapwa babae. Huwag papatol kung hindi kayo 101% sure na legally hiwalay na ang mag-asawa. Huwag kayong sumabit.”
“Totoo ba @ivanaalawi? Idol pa naman kita.”
“True enough, sumikat pero wala talagang lihim ang hindi nabubunyag. Kung totoo kang mayaman, wala kang sugar daddy, 'di ba?”
“Sanay na po siya d'yan. Before, Dan F,” na kung hindi kami nagkakamali, ang tinutukoy ay si Cong. Dan Fernandez na na-link na rin noon kay Ivana.
“True, hindi pa siya sikat, naospital siya (Ivana), agad pumunta si Dan F du'n sa ER na alam ng lahat, pamilyadong tao. Mahilig siya sa mga pulitiko talaga. Ara Mina 2.0 siya, mahilig sa may sabit na pulitiko. Dami niyang nauto sa vlog niya na mayaman ang ama niya at napamanahan siya para sumikat siya.”
Grabe naman, pati si Ara Mina na nananahimik, idinawit kay Ivana? Unfair naman yata 'yun.
Comments