top of page
Search
  • BULGAR

Kawalan ng access o hindi stable na internet connection, malaking problema para sa online learning

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | September 24, 2020



Malaki ang aking pangamba na hindi magtagumpay ang online learning dahil sa kahinaan at kawalan ng internet connectivity sa maraming lugar sa bansa.


Lumabas sa samu’t saring hearing sa budget ang problemang hinaharap kapwa ng Department of Education at Commission on Education sa connectivity.


Maraming organisasyon ang nagsasagawa ng donation drive para mabigyan ng gadget ang mga kabataang walang pambili nito.


Ngunit nanatili ang bottom-line—hindi rin magagamit ang mga ito kung walang access sa mura at stable na internet connection.


☻☻☻


Kinakailangang sa lalong madaling panahon ay makapag-setup ang pamahalaan ng maayos na internet infrastructure.


Ngunit hindi ito short-term—napakaraming salik sa pagkamit ng objective na ito at aabutin ng taon bago natin mapakinabangan ang pagsusumikap na palawakin ang internet access sa buong bansa.


Gayunman, ang panawagan natin sa mga ahensiya ng pamahalaan na responsibilidad ang internet connectivity—paka-tutukan natin ito.


May direktiba na ang Pangulo na huwag patatagalin ang mga application para magtatag ng mga telco sites.


Let’s do more—tingnan natin kung ano pa ang magagawa natin para lalong ma-streamline ang proseso.


☻☻☻


Maging sa mga pamilya ng maga-aral ay nakikita nating may mga paghihirap din sa pag-adjust sa bagong moda ng online learning.


Marami pa rin ang hanggang sa ngayon ay hindi gamay ang paggamit ng mga online learning tools.


Our parents and students need more time to get used to the new mode of learning.


☻☻☻


Ang mungkahi ng inyong lingkod, at least kahit sa first three months mula pagbukas ng eskuwela sa October 4, gawin nating least priority ang online mode of learning.


Mag-focus muna tayo sa kombinasyon ng printed materials at sa pag-develop ng mga programa sa mga television stations na na-tap ng pamahalaan habang inaayos natin na magkaroon ng workable scenario ang online learning.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page