Kauuwi pa lang ng ‘Pinas… BINI, 4 NA ARAW LANG ANG BAKASYON, SABAK ULI SA WORK SA AUSTRALIA
- BULGAR

- 1 day ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly| September 2, 2026

Photo: IG _bini_ph
After more than a month of nonstop traveling, performances, and international engagements, BINI is finally back home in the Philippines.
Dumating sa bansa ang Nation’s Girl Group nu’ng Lunes after a busy overseas schedule that included appearances at Comic-Con and several stops for their Signals world tour.
Excited na makabalik sa Pilipinas, ipinakit ng mga BINI members kung gaano nila na-miss na makauwi, especially after spending weeks performing and traveling abroad.
“Super-happy na we’re finally home after more than a month. We miss you, Philippines,” sey ni Sheena sa panayam ng ABS-CBN upon their arrival.
Para naman kay Maloi, isa raw sa pinaka-na-miss niya habang nasa ibang bansa ay ang Filipino food. Biro niya, sa sobrang excitement nilang makauwi, feeling nila ay napakatagal ng biyahe sa eroplano.
“Grabe, ang dami naming pinagdaanan. Ang tagal ng flight na ‘to. Ito ‘yung pinakamatagal na 17 hours ng buhay namin,” sey niya.
“Pero super-excited talaga kaming makabalik dito and kumain ng Filipino food. ‘Yun talaga
‘yung pinaka-nilu-look forward namin,” she added.
Masayang-masaya rin ang grupo sa kanilang experiences na makapag-perform sa iba’t ibang bansa.
“A blessing, privilege, and an honor na makapag-tour kami sa ibang bansa, not just in America, in Canada, and in Japan,” sey ni Aiah.
“Ang crazy ng schedule kasi pabalik-balik kami and on tour kami, like nasa bus tour kami. Pero ang dami naming natutunan din, ang dami naming nami-meet na mga tao,” dagdag niya.
“Sobrang grateful kami kasi ang dami pa ring nagmamahal sa amin. Kaya we continue what we’re doing. And yeah, super-happy ng experience so far,” sabi pa.
Ngayong nakauwi na sila, magbabakasyon muna ang walong miyembro para makapagpahinga at makasama ang kanilang pamilya.
“Definitely po, we will spend our time with our family. And ‘yung iba sa amin magbabakasyon din, kung anong gusto nilang gawin,” sey ni Gwen.
“Kailangan pa naming mag-recharge again. But for now, we will focus sa pag-recharge,” aniya pa.
Si Stacey naman ay excited nang kumain ng kanyang mga paboritong Pinoy food.
“Nakaabang na ‘yung tinapa, itlog na pula, at bagoong at sili sa condo ko ngayon kasi nagpaluto na ako sa nanay ko, at tinola for dinner,” saad niya.
Sabi naman ni Mikha, “Right now po, inaantay ko na po sa labas ‘yung family ko. Susunduin po ako and we’re gonna go somewhere and we’re gonna have fun as a family, and I’m excited.”
Pero apat na araw lang daw ang kanilang bakasyon dahil kailangan nilang bumalik agad sa trabaho for rehearsals and shoots bago lumipad na naman patungong Australia.
“After four days ng rest, meron kaming rehearsals and may mga shoots in between. Marami kaming gagawin before kami lumipad for Australia. Exciting,” sey ni Colet.





Comments