Waging FAMAS Best Actress Kathryn, tinalo sina Sharon, Maricel at Marian

ni Angela Fernando @News | May 27, 2024

Nag-uwi ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ng acting award sa katatapos lang na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards 2024 nu'ng Linggo.
Natalo ni Kathryn sa kanyang espesyal na pagganap sa pelikulang 'A Very Good Girl' sina Maricel Soriano ng "In His Mother's Eyes," Charlie Dizon ng "Third World Romance," Marian Rivera ng "Rewind," Sharon Cuneta ng "Family of Two," at Eugene Domingo ng "Becky and Badette."
Natanggap niya ang kanyang tropeo sa gabi ng parangal na ginanap sa Fiesta Pavilion sa Manila Hotel.
Matatandaang natanggap ng aktres ang kanyang unang FAMAS Award sa German Moreno Youth Achievement Award nu'ng 2011 kasama sina Sarah Lahbati, Alden Richards, Julia Montes, at Sam Concepcion.





Comments