top of page
Gary V. - IG.jpg

KATHRYN, TODO-DARING PARA PATUNAYANG 'DI KAWALAN SI DANIEL

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2024
1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | March 5, 2024





Maraming fans ni Kathryn Bernardo ang natuwa sa malaking pagbabago at transformation niya nang maghiwalay sila ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.


Medyo nag-mature na siya, maging sa roles na kanyang tinatanggap. Hindi na siya ang dating Kathryn na sunod-sunuran lang sa gusto ng kanyang ex-BF for 11 years na si Daniel. 


Maging sa kanyang pananalita at pananamit ay nagbago na rin si Kathryn. Keri na niyang magsuot ng two-piece swimwear. At maraming nagulat sa kanyang sexy and daring pictorials sa social media. 


Pero para sa ilang concerned netizens, hindi naman kailangan na magpa-sexy at magpaka-daring ng aktres para lang patunayan na kaya niyang tumayong mag-isa kahit walang ka-love team. Nakikita naman ng lahat na nag-e-enjoy siya ngayon sa kanyang freedom bilang single. 


Ganunpaman, may iba na mas gusto pa rin ang dating Kathryn Bernardo na sweet, decent at wholesome ang image. Ang dapat na lang niyang tutukan ngayon ay ang growth niya bilang magaling na aktres.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page