Kathryn, sa pagka-Best Actress… ALDEN, NOMINADONG BEST ACTOR SA FAMAS

ni Nitz Miralles - @Bida | December 8, 2020

Tiyak na masaya ang mga fans nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil muli silang nagkasamang mag-endorse ng product. In fact, this week na ang digital launch ng TokTok delivery, ang newest delivery app sa bansa. Nai-shoot na nila ang TVC nito at any day now, baka after ng digital launch, ipalabas na rin.
At least, hindi na lang sa Eat... Bulaga! makikitang magkasama ang dalawa, pati na rin sa endorsement. Naalala tuloy ng mga fans noong kainitan ng AlDub na ang daming endorsements ng dalawa, kaya ang wish ng mga fans, masundan ng iba pang endorsement ang TokTok delivery.
Anyway, ready na si Alden para sa Alden’s Reality concert this Tuesday at masaya ito dahil soldout ang dalawang slots ng first virtual reality concert sa bansa.
Guests ni Alden ang December Avenue band at sina Rodjun at Rayver Cruz sa kakaibang concert.
Kasabay ng concert ang launching ng newest single ni Alden na Goin’ Crazy na sa narinig namin sa teaser, iba ang tempo sa mga unang recordings ng Kapuso actor, bagong timpla na magugustuhan ng kanyang mga supporters.
Still on Alden, dagdag na blessings sa kanya sa 10th year niya sa showbiz ang nominasyon mula sa Famas. Isa siya sa mga nominadong Best Actor para sa pelikulang Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema. Nominated ding Best Actress ang kapareha niya sa movie na si Kathryn Bernardo.





Comments