Kathryn, pabebe raw kasi… KAILA, ‘UPGRADED’ GF NI DANIEL
- BULGAR

- 3 hours ago
- 4 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | January 28, 2026

Photo: FB Kaila Estrada
“Upgraded GF” ang tawag ng ilang netizens kay Kaila Estrada na bagong girlfriend ni Daniel Padilla.
Puring-puri ng mga netizens ang anak nina Janice de Belen at John Estrada nang mag-post ito sa kanyang Instagram account ng photo na naka-two-piece bikini na kuha sa bakasyon nila ni Daniel sa El Nido, Palawan.
Ang classy daw talaga ng dating ni Kaila, bukod sa bilib sila sa galing nitong umarte at matalinong sagot sa mga interviews nito.
Hindi rin maiwasang maikumpara ng ilang netizens si Kaila kay Kathryn Bernardo na ex-GF ni DJ (Daniel).
Pansin ng ilan, mas mature kumilos, magsalita at mag-isip si Kaila kumpara kay Kathryn na “pabebe” raw nu’ng sila pa ni Daniel.
Pagtatanggol naman ng mga fans kay Kathryn, kahit ano pang sabihin ng mga bashers ng aktres, may napatunayan na ito sa showbiz na matagal at malayo pa bago mapantayan ni Kaila.
Oh, well, obviously, ang mga fans ang hindi pa maka-move on sa hiwalayan ng KathNiel dahil patuloy pa rin nilang ikinukumpara si Kathryn sa bagong GF ng aktor.
Kaya nag-pilot at sundalo…
RONNIE, PANGARAP MAGING PRESIDENTE
GRABE sa sipag mag-aral ang original singer ng Ngiti na si Ronnie Liang.
Nakatsikahan namin ang mabait na singer sa nakaraang fiesta sa Lipa dahil ambassador siya ng Sylpauljoyce Furniture na pag-aari ng mabait na owner din ng Solano Hotel na si Mr. Charles Solano.
Teen-ager pa lang si Ronnie nang maging ambassador ng Sylpauljoyce at until now, siya pa rin ang face ng naturang brand, kaya naman siya ang may pinakamalaking photo sa mga celebrities na naka-display sa wall ng office ni Sir Charles.
Hindi naman kami nagtataka kung bakit hindi pinapalitan si Ronnie bilang ambassador dahil napakabait niya, na siguro, ‘yun din ang nagustuhan sa kanya nina Sir Charles at Ma’m Lorena Solano.
Anyway, naikuwento nga sa amin ni Ronnie na after niyang maka-graduate ng Education, nag-aral din siyang maging piloto at nag-Masters Degree in National Security Administration. Tapos, nag-PhD (Doctor of Philosophy) din siya para sa Security Development Administration na related sa kanyang pagiging member ng Armed Forces of the Phils. bilang reservist.
Well, hindi man sumasabak si Ronnie sa mga giyera, kung saan-saan naman siya nakakarating para sa kanyang advocacy na makatulong sa mga maysakit at nangangailangan lalo na sa mga panahon ng sakuna at trahedya.
Tinanong nga namin si Ronnie kung may balak ba siyang maging pulitiko kaya todo-todo ang charity works niya.
Inamin naman nito sa amin na pangarap niyang maging presidente ng Pilipinas at wala naman daw sigurong masama lalo’t ang hangarin niya ay para sa ikabubuti ng bansa at magandang gobyerno.
Kunsabagay. Pero for sure, marami pang dapat matutunan si Ronnie bago niya pasukin ang pulitika — at unang-una na riyan ‘yung paano siya hindi makakain ng bulok na sistema.
Anyway, magbi-birthday si Ronnie Liang sa January 31 kaya advanced na ang aming pagbati sa kanya ng “Maligayang Kaarawan!”
Nawa’y magdulot ka pa ng mas maraming ngiti lalo na sa mga batang may cleft palate na iyong tinutulungan.
Pareho raw ang hilig nila, Donny…
ANAK NI GLADYS NA SI CHRISTOF, INAMIN SI BELLE
MAS guwapo pala sa personal at ang lakas ng dating ng singer na si Christof, ang isa sa Star Magic artists na anak nina Gladys Reyes-Sommereux at Christopher Roxas.
Isa si Christof sa mga Star Magic artists na humarap sa press sa unang Spotlight press conference, kung saan bago siya ipinresenta, ipinakilala rin ang magagaling na theater actors na alaga ng talent arm ng ABS-CBN na sina Jordan Andrews, Lance Reblando at Omar Uddin.
Napansin naming mas confident na ngayong humarap at makipagtsikahan sa press si Christof, na ini-reveal na nagkaroon na siya ng girlfriend during the pandemic at ang non-showbiz girl na ito ang dahilan kaya niya nasulat ang kanyang kantang Take Care.
Alam naman daw nina Gladys at Christopher ang tungkol du’n at ang payo lang sa kanya, laging iisipin at aalalahanin kung ano ba ang priority niya sa buhay. Hindi naman daw nakikialam ang kanyang parents, especially ang kanyang mom, sa love life niya at
wala pa naman daw itong kinokompronta sa mga babaeng napapalapit sa kanya.
Sa ngayon, single si Christof at malinaw sa kanya na ang priority niya ay ang kanyang singing career, kaya bagama’t inamin niyang ina-admire niya si Belle Mariano at gusto niya itong maka-collaborate o maka-love team kung sakaling papasukin din niya ang showbiz, wala raw sa isip niyang ligawan ito.
Todo-pasalamat si Christof na naging part ng Star Magic family dahil ramdam niya ang maayos na pag-aalaga nito sa kanyang music career, kung saan nasa ilalim siya ng ABS-CBN record label na Star Pop.
Inspirasyon ni Christof ang pop, rock, at alternative music. Nai-launch na ang kanyang self-titled debut album — isang koleksiyon ng anim na kanta.
“I’m currently a third-year college student, studying Hotel and Restaurant Management at the University of the Philippines Diliman. I couldn’t be any prouder of how far I’ve come because it’s not easy trying to balance all of these. But we’re pushing through it,” kuwento ni Christof tungkol sa kanyang personal na buhay.
Siguradong magugustuhan ng mga mahilig sa musika sa iba’t ibang streaming platforms ang kanyang self-titled album.








Comments