KATHRYN, NOMINADONG OUTSTANDING ASIAN STAR SA SOUTH KOREA
- BULGAR
- May 24, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | May 24, 2023

Nominado ang Kapamilya actress at Asia's Superstar na si Kathryn Bernardo sa Seoul International Drama Awards (SDA).
Kahanay ng pangalan ni Kathryn sa SDA 2023 Outstanding Asian Stars category ang iba pang mga kilalang personalidad sa iba't ibang bansa sa Asia tulad ng South Korea, China, Thailand, Japan at Taiwan.
Nakatakdang ganapin ang nasabing awards ceremony sa September 21 sa South Korea at mapapanood ang live broadcast nito sa YouTube channel ng KBS2TV.
Ang mga personalidad na makakalaban ni Kathryn sa nasabing awards ceremony ay tatlo mula sa China na sina Lai Guan-lin, Dylan Wang at Yu Shuxin habang lima naman sa South Korea na sina Song Joong-ki, Song Hye-kyo, Lee Je-hoon, Yoon-ah at Park Eun-bin.
Isa naman mula sa Thailand na si Nichkhun Buck Horvejkul na miyembro ng K-Pop boy band na 2PM. Isa rin mula sa Taiwan na si Vivian Sung at dalawa naman mula sa Japan na sina Tsuyoshi Kusanagi at Kento Yamazaki.
Kinilala ang husay sa pag-arte ng girlfriend ni Daniel Padilla sa kanilang teleserye na 2 Good 2 Be True na patuloy na napapanood sa Netflix, TV5, A2Z at sa lahat ng Kapamilya online platforms.
May chance bumoto ang mga KathNiel fans sa pamamagitan ng voting application na IDOLCHAMP, isang voting platform service developed by TNK Factory and MBC Plus.
Mag-uumpisa na ang voting period simula ngayong June 15 hanggang July 14 at ito ay ayon sa press release ng award-giving body.
Matatandaang ang Kapamilya actress na si Belle Mariano ang nag-uwi ng nasabing prestigious award noong nakaraang taon kung saan personal niya itong tinanggap.





Comments