top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

KATHRYN, MALAYA NA SA MADIR SA EDAD NA 26

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 29, 2022




Marami ang na-touched sa napakagandang birthday message kay Kathryn Bernardo ng kanyang inang si Mommy Min Bernardo.


Kathryn just celebrated her 26th birthday last Saturday, March 26 sa isang beach kasama ang ilang kaibigan and of course, ang long-time boyfriend at ka-love team na si Daniel Padilla.


Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Mommy Min ng video ng mga larawan ni Kathryn mula noong baby hanggang sa lumalaki ito.


Sa caption ay hindi maiwasang maging sentimental ni Mommy Min. Aniya ay malalaki na ang lahat ng kanyang anak at nagpapasalamat na maayos ang buhay ng mga ito.


“Bilang isang magulang, nagpapasalamat ako sa lahat ng blessings na ibinigay ni Lord mula sa pagkakaroon ng maalwan na buhay, maayos na kalusugan, mababait at maaayos na career ng mga anak.


“Ano pa nga ba ang hihilingin ko? Wala na, 'di ba? Kaya lang, dumarating ang time na nalulungkot ako, longing for my kids, may nasa malayo at may nasa tabi mo lang, pero still parang ang layu-layo nila.


“Dati nu'ng maliliit pa ang mga bata, kahit sa'n ka pumunta, nand'yan sila, humahabol, gustong sumama, ayaw mahiwalay sa iyong tabi. But now, big and grown-up na, they have their own priorities, responsibilities, and decision in life.


“Naaalala ko ang sabi ng nanay ko, sana 'di na lang kami lumaki… now gets ko na ang ibig niyang sabihin…” Mommy Min wrote.


Kasunod nito ay ipinahayag niyang binibigyan na niya ng kalayaan si Kathryn ngayong 26 na ito.


“Here, another kid is getting older and want freedom. My bunso is not baby anymore.


“Kath, on your 26 years in this world, you achieved a lot, you work hard and naging mabait na anak, kapatid at kaibigan. Sana, kahit I gave your freedom, don't forget to learn and accept words of advice and be wise in making decisions.


“Stay being sweet and caring, be true to yourself always… d'yan ka minahal ng totoong mga kaibigan na nakapaligid sa 'yo… MALIGAYANG KAARAWAN, anak,” ang mensahe ni Mommy Min sa bunsong anak.


Just wondering kung anong kalayaan ang ibig sabihin ni Mommy Min. Magso-solo living na kaya si Kathryn? Mag-aasawa na kaya?


May nakapansin nga ring netizen at komento niya, “Tita, parang ikakasal na siya sa message mo.”


Anyway, marami ring naiyak sa mensahe ni Mommy Min kay Kathryn at pinuri ng mga netizens ang maayos na pagpapalaki niya sa anak.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page