KATHRYN, ‘DI RAW PINATULAN SI ALDEN DAHIL BADING, AKTOR NAGSALITA NA

ni Nitz Miralles @Bida | September 17, 2026

Photo: Alden at Kathryn - Kathryn Bernardo at Alden IG
Napanood namin si Alden Richards na umiiyak sa interview sa kanya ni Vice Ganda sa show nitong Gandang Gabi Vice (GGV).
Naging emosyonal si Alden nang i-share kay Vice ang mga ibinabatong isyu sa kanya na noong una, nakaapekto sa kanya, pero ngayon, dedma na siya.
Ito ‘yung paulit-ulit na isyu na pagtawag at pag-aakalang bakla si Alden at naalala pa nito, isinigaw sa kanya noong may show siya sa Baguio.
Nagsalita na ang aktor tungkol sa isyu, pero mukhang ayaw pa ring tumigil ng iba. Parang lalo pang iginiit ng mga bashers na bakla si Alden ngayong magpi-premiere sa GMA-7 ang Love, Siargao nila ni Nadine Lustre na ipapalabas na sa September 28, 9:35 PM. Makakatapat nito ang series nina Kathryn Bernardo at James Reid na Someone, Someday.
May nabasa kami na hindi raw pinatulan ni Kathryn ang “kabaklaan” ni Alden. Meaning, hindi in-entertain ng aktres ang panliligaw nito.
Kaya lang, may nabasa rin kami dati na mismong mother ni Kathryn ang nagsabing hindi nanligaw ang aktor sa kanyang dalaga.
Well, hindi nakakatulong sa friendship ng dalawa ang mga ganitong isyu. Pinaglalayo sila ng mismong fans dahil sa mga pinalulutang na isyu laban kay Alden.
Sana lang, hindi tuluyang masira ang samahan nilang dalawa at puwede pa rin silang magtambal kahit may ilan silang fans na ayaw na silang magsama pa sa pelikula.
Madir ni Matteo, nag-post ng bagong piktyur niya… SARAH, TIKOM PA RIN SA KALAT NANG BUNTIS
SA latest photo ni Sarah Geronimo posted by Matteo Guidicelli’s mom, makikitang white dress ang suot ng singer. At kung hindi lumutang ang isyu na buntis na ang misis ni Matteo, hindi ‘yun iisipin ng mga fans.
Medyo maluwag ang damit ni Sarah, kaya gumana ang imahinasyon ng mga netizens. Mukha raw siyang buntis at walang nag-comment na baka gusto lang niya na komportable kaya maluwag ang suot.
Mananatili ang mga ganitong usapan at mga tanong kung buntis ba si Sarah o hindi hangga’t wala silang pahayag ni Matteo.
Request nga ng mga fans, sabihin na nila ang totoo at kung hindi pa buntis si Sarah, tatanggapin nila.
Well, dahil sa kumalat na larawan, labis na ikinatutuwa ng mga fans na matagal nang naghihintay na magka-baby ang mag-asawa.
ANG hectic ng schedule ni Bea Binene. Nalaman namin sa mom nitong si Carina na after ng mediacon ng Pee-Mak (The Philippine Adaptation), lilipad agad sila ng aktres sa Taiwan for a tourism event.
Hindi lang namin naitanong kung kasama nila si Wilbert Ross, ang leading man ni Bea sa horror-comedy movie.
Tuwang-tuwa si Carina na makakapagpahinga raw si Bea dahil one week sila sa Taiwan, babawi ng tulog ang anak, dahil simula nang magkaroon ng sunud-sunod na projects, kulang na sa pahinga.
But Bea is not complaining. Aniya, “Nakakatulog pa naman ako,” nang matanong kung natutulog pa ba siya.
“The thing is, ‘di ko tinitingnan ang pagod ko dahil masaya akong maging busy at nag-e-enjoy sa mga projects na ginagawa ko sa Viva. Wala rin akong karapatang magreklamo at sabihing kulang ako sa tulog dahil parang ‘di ko nire-recognize ang fans na sumusuporta sa amin ni Wilbert,” ayon pa sa aktres na laging hindi nakakalimutang pasalamatan ang mga fans.
Well, parang nakakaamoy kami na magiging hit ang Pee-Mak (The Philippine Adaptation) na originally from Thailand. Ito ay sa direction ni Victor Villanueva.
Sa trailer pa lang, natawa na kami sa mga eksena ng cast na kinabibilangan nina Jairus Aquino, TJ Valderrama, Gian Bernardino at Vandolph.
Kuwento ni Direk Victor, nagre-retake siya ng mga eksena dahil tumatawa si Bea, hindi nito mapigilang tumawa lalo na kapag si TJ ang nasa harapan niya.
Anyway, alam naming hindi pababayaan ng kanilang mga fans sina Bea at Wilbert at gagawin ang lahat para maging hit ang first movie ng WilBea love team.





Comments