top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

KATHRYN, 'DI PUWEDENG PIGILAN NG KAHIT SINO SA PAGBE-VAPE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 25, 2023
  • 1 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 25, 2023



Hindi pa rin natatapos ang isyung pagbe-vape ni Kathryn Bernardo dahil tila naging bad influence siya sa mga kabataan na umiidolo sa kanya.


Parang napakalaki naman ng kasalanan ng aktres kung nag-vape man siya. May inistorbo ba siyang tao sa ginagawa niya? Ilegal ba ang ginawa ni Kathryn? Hindi naman ito droga, ‘di ba?!


Nataymingan lang na may kumuha ng larawan sa aktres at ipinost sa social media kaya nag-viral at ginawang big deal na agad.


May kilala nga kaming sikat na aktres, may wholesome image at super idol ng lahat pero ang tindi mag-vape. ‘Yun lang, hindi kasi siya nakikita sa public at ginagawa niya ito ‘pag nasa banyo o kaya magpapaalam siya sa mga kausap at pupunta sa isang sulok at saka hihithit.


Pero alam ng mga katrabaho niya at buong production na nagbe-vape si sikat na aktres na may wholesome image at idol ng lahat. Ang maganda ay walang naglalabas ng kanyang larawan dahil na-earn na nito ang respeto sa tagal niya sa industriya.


Kaya tantanan na si Kathryn, it only shows na normal siya tulad ng mga hindi taga-industriya, na gagawin niya ang kanyang gustong gawin as long as hindi ito illegal o makakaapekto sa trabaho niya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page