top of page
Search
  • BULGAR

KATHRYN, 'DI BINATI SI DANIEL SA B-DAY

ni Julie Bonifacio @Winner | April 27, 2024





NAGING top trending si Daniel Padilla sa X (dating Twitter) kasabay ng kanyang kaarawan dahil he just turned 29 yesterday (April 26).


Marami ang nag-post ng pagbati kay Daniel sa X at isa sa mga napansin namin na bumati sa kanya ay ang dating clothing brand na ine-endorse nila ng kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.


Na-bash tuloy ang naturang clothing brand sa pag-post nila ng birthday greeting kay Daniel. Kasi nga, si Kathryn na lang ang ini-renew nila as endorser, habang si Daniel naman ay kinuha na ng ibang brand ng jeans.


Sa Instagram (IG) ni Daniel, medyo bayolente ang kanyang ipinost na larawan at caption. Makikitang akmang may babarilin si Daniel sa animated picture with a big target symbol sa likod niya.


Caption ni Daniel sa kanyang IG post, “Bang!”


Ewan kung prelude ito sa bagong serye na gagawin niya kasama sina Ian Veneracion, Richard Gutierrez at Enrique Gil.


Anyway, napansin din namin na walang nag-post ng comment sa post na ‘yan ni Daniel.


We tried to scroll ang iba niyang posts, pero kokonti na lang ang nagpo-post sa comment section ng old posts niya sa IG at ‘yung pinakabago, wala talagang comment.


Anyway, sinilip din namin ang IG ni Kathryn kahapon. As of this writing, walang pagbati na naka-post si Kathryn for Daniel.


‘Yun na!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page