KATHRYN, BUSOG SA BRANDED BAGS NA REGALO NI DANIEL
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | August 9, 2022

Napakagalante naman palang boyfriend ni Daniel Padilla dahil puro branded bags ang kanyang inireregalo kay Kathryn Bernardo.
Mismong si Kathryn ang nagsabing nakaipon at nagkaroon siya ng collection ng mga branded bags dahil sa BF niyang si Daniel. Ilang Louis Vuitton bags na ang naibigay ni DJ (palayaw ni Daniel) kay Kath, bukod pa sa Chanel, Prada, Balenciaga, YSL atbp. brands.
Kaya naman, tuwang-tuwa si Kathryn at todo-display ng kanyang mga branded bags courtesy ni Daniel Padilla.
Tiyak na malaking halaga rin ang nagastos ni DJ sa mga branded bags na regalo niya sa nobya.
Pero, milyones din naman ang kinita ni Daniel at malaking tulong si Kathryn sa kanyang career.
Marami silang endorsements dahil sa kanilang love team. Kumita rin nang husto ang mga pelikulang kanilang pinagtambalan.
Kung wala si Kathryn Bernardo, hindi naman sisikat nang husto si Daniel Padilla. Kaya ang pagreregalo niya ng mga branded bags ay pasasalamat niya sa GF.





Comments