top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

KATHRYN AT PAMILYA, DEDMA NA SA B-DAY NI KARLA

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2023
1 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | November 23, 2023




Nagmistula na ngang drama series na puro mga netizens at nasa media ang nagpapahayag ng mga saloobin, obserbasyon at opinyon hinggil sa KathNiel.


At ang latest episode ngang pinag-uusapan ay ang hindi man lang umano pagbati ng "Happy birthday" kay Karla Estrada na nagdiwang ng kanyang kaarawan last Nov. 21 ng pamilya Bernardo, partikular nga ni Kathryn at nanay nitong si Mommy Min.


Kung dati-rati nga naman ay halos magbalae na ang turingan ng mga ito, sa showbiz affairs man o negosyo o personal nilang mga ganap, nakapagtataka raw na sa gitna ng isyu sa mga anak nila ay tila nagkalimutan na rin ang mga ito.

At dahil mukhang series na ito, may pasabog diumanong mangyayari in the next few days at may kinalaman naman ito kay Papa Ogie Diaz na siya ngang nagpasimula ng mga pinag-uusapang balita kina Kathryn at Daniel.


Aabangan natin ‘yan!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page