top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

KATHRYN AT DANIEL, DAWIT SA PAGKAKALABUAN DAW NINA BEA AT DOMINIC

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2024
1 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 3, 2024



Umuusok ang usap-usapan sa “nawawalang” engagement ring ni Bea Alonzo sa kanyang mga daliri na bigay ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque.


Nagtataka ang mga netizens kung bakit hindi na raw suot ni Bea ang engagement ring.


Umuugong tuloy ang usap-usapan na may LQ ang magdyowa.


Sa interview naman ni Bea recently, panay ang iwas niya sa mga tanong tungkol sa plano nila na pagpapakasal ni Dominic.


Kalurky dahil ang diin at paulit-ulit na sinasabi ni Bea sa interbyu na wala pa talaga silang plano about the wedding.


Pero halata namin na naiirita si Bea sa tuwing tinatanong siya ng media about sa wedding nila ni Dom. Duda tuloy namin na may kinalaman sa pagkairita ni Bea ang pagdadaldal ni Dom ng ilang detalye sa wedding nila. Na pati nga ang magkahiwalay na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay nasasabit pa sa usapan ukol sa wedding nila ni Bea.


Kaya naman tinanong namin directly ang manager ni Bea na si Shirley Kuan kung true ba ang tsika na ‘di na suot ng aktres ang engagement ring niya.


Say ni SK sa amin, “Nagulat nga ako sa lumabas kahapon. Hindi ko kasi napapansin na hindi niya suot. Kasi kahit magkasama kami, wa' ko naman look sa fingers niya kung suot niya. 'Kaloka!”


After ng event daw ni Bea noong Huwebes, tumuloy pa raw ang aktres sa wake ng friend niya.


Tsika pa ni SK sa amin, “At nakalimutan ko ask yaya niya kung suot ang ring. Hehehe.”

Hala!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page