top of page
Search
  • BULGAR

KathNiel, sey n’yo? DANIEL, BONGGA PA RIN ANG CAREER KAHIT WALA SI KATHRYN

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | April 16, 2024



Ayon sa kasamahan namin sa panulat at friendship as well na si Dominic Rea na super close sa mag-inang Karla Estrada at Daniel Padilla, ay wala raw paki si Daniel kung ma-link man romantically si Kathryn Bernardo kay Alden Richards ‘coz super busy daw lately si Daniel sa mga blessings na natatanggap nito like mga product endorsements at TV projects.


At marahil nga, it's a blessing in disguise nga siguro for Daniel ang hiwalayan blues nila ni Kathryn dahil nga ratsada lately ang ex nitong si Kathryn sa kabi-kabilang endorsements at sa seryeng pinaghahandaan ng ABS-CBN sa guwaping na dyunak (anak) ni Karla Estrada.


Ayon nga kay co-writer Dominic Rea, bigla raw naging tameme ang mga bashers ni Daniel nang lumabas ang sunud-sunod na contract signing at bagong product endorsements ng nasabing young actor.


And the following ay ang sunud-sunod pang naging pahayag sa amin nitong si Dominic...


“Simula kasi December ay nag-fiesta ang mga nanlalait kay Daniel sa pag-aakalang after the said breakup with Kathryn Bernardo ay siya ring paglubog ng career ng aktor. 


“Inakala rin ng karamihan na walang natirang solid fans and followers si Daniel, pero nagulat sila nang napakarami pa rin pala ang nagmamahal sa aktor.


“Mag-a-undergo next week para sa isang UFC (Ultimate Fighting Championship) training si Daniel, para sa kanyang paghahandaang teleserye sa bakuran ng ABS-CBN.


“Kasunod niyan ay ang isang bonggang concert hindi lang dito sa bansa kundi maging abroad.”


Oh, ayan, mga Marites at mga tribu ni Mosang, siguro naman bibilib na kayo sa kasabihang, “You can never put a good man down,” boom, kaboom!



0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page