top of page

Sharon, mas payat na… KATAWAN NI KC, KASINGLAKI NG KAY KARLA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | April 11, 2026



KC After Hours - YT

Photo: KC After Hours - YT



Shookt ang ilang netizens na nakakita kay KC Concepcion nang mag-post siya online ng kanyang latest ganap.


Lalo kasing lumusog ang katawan ngayon ni KC, although, lutang na lutang pa rin naman ang ganda ng only child nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

It’s been a while na hindi nagpapakita in full view si KC sa socmed (social media).


Madalas, ang mukha lang niya o half body ang nakikita, at tungkol sa jewelry at kung anik-anik ang kanyang isine-share sa socmed.


Isang video clip para sa latest episode ng KC After Hours na napapanood sa YouTube channel ni KC ang ipinost ng naturang Facebook page.


Marami ang nakapansin na mas payat na ngayon ang ina ni KC na si Sharon Cuneta kesa sa kanya. Hindi lang ang katawan ni Sharon ang lumiit kundi maging ang face nito.

Sa unang tingin, si Karla Estrada at ang kanyang yumaong “Mamita” na si Elaine Cuneta na raw ang kasinglaki ng katawan ni KC.


Hindi tuloy maiwasan na ikumpara kay KC ang younger sister niyang si Frankie Pangilinan na may soft launch sa kanyang love life sa socmed.


Habang si KC ay hindi pa rin diretsahang nagparamdam kung ano talaga ang real score sa kanila ng ex-boyfriend niyang si Aly Borromeo.


Ang tsika tuloy sa mga showbiz umpukan ay baka maunahan pa ni Frankie si KC sa pag-aasawa.


For sure, dedma na si KC sa mga ganyang intriga. Ang mahalaga, maganda at mayaman pa rin siya.





NAKAABANG na ang mga fans ng BINI sa historic debut appearance ng kanilang fave P-Pop group sa Coachella today (Philippine time).


Nakaayos na raw ang watch parties ng Blooms (fans ng BINI) para hindi ma-miss at i-cheer ang performance ng grupo on real time.


In-announce sa official pages ng Team Bloom Philippines ang multiple viewing events set for April 11. Hindi raw kasi sila kakasya lahat sa isang venue para sama-samang makapanood.


“Let’s celebrate BINI together! Louder, bigger, and closer with your co-Blooms (heart emoji). And yes, it’s FREE for everyone!


“Note: No freebies are included for these watch party locations. (Pin emoji) Open for 60 slots per location only,” ayon sa post ng Blooms.

From 65 Blooms, dumami na talaga sila.


Panay ensayo raw ang BINI para sa kanilang pagganap sa Mojave Stage ng Coachella, na ibabahagi nila sa ilang international performers tulad ng Central Cee, Blood Orange, Ethel Cain, Moby, Devo, Slayyyter, Novasolo, atbp..


Ang performance ay mapapanood sa Coachella official YouTube (YT) channel on April 11 at 7:15 AM (Philippine Time).


Ayon sa report ng ABS-CBN News, ang set ng BINI ay tatagal ng 42 minuto nang walang anumang intermission, at inaasahan din nilang ipakilala ang kanilang pinakabagong single na Blush na bahagi ng kanilang bagong release na EP Signals.

Congrats, BINI!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page