top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Katawan, inilagay sa ice box... Kuya, sinap-chop ng utol

Writer: BULGAR
BULGAR
24 minutes ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | September 14, 2026



Chinop chop ng kapatid - Circulated

Photo: Circulated



Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang 27-anyos na lalaki matapos patayin ng kanyang nakababatang kapatid sa Brgy. Sinunuc, Zamboanga City nitong Sabado, Sept. 12.


Kinilala ang biktima na si Raffy Alam, habang ang suspek ay ang nakababatang kapatid na si Rashdy Alam, 18.


Natuklasan ang krimen matapos madiskubre ng isang may-ari ng tindahan ang isang maleta na naglalaman ng parte ng katawan ng tao, kaya agad na ini-report ito sa mga awtoridad.


Nakita sa follow-up operation ang ulo, kamay at paa ng biktima sa isang ice box, at ang ibang bahagi ng katawan ay isinilid sa maleta.


Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang motibo ng krimen dahil tumakas ang suspek at pinaghahanap na ito ng mga pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page