Kasulatan bilang patunay na anak ng ama ang bata
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | June 19, 2021
Dear Chief Acosta,
Hindi pumirma ang ama ng aking anak sa kanyang birth certificate. Subalit, siya ay nagbigay-suporta para sa kanya at gumawa siya ng handwritten note na nangangakong magbibigay ng buwanang suporta sa aking anak. Ngayon ay ayaw niyang suportahan ang anak ko at itinatanggi ang kanyang relasyon dito bilang ama. Maaari bang gamitin ang kanyang handwritten note bilang patunay na siya ang ama ng aking anak? – Angel
Dear Angel,
Para sa inyong kaalaman, ang desisyon ng Korte Suprema sa kasong Ben-Hur Nepomuceno vs. Arbhencel Ann Lopez (G.R. No. 181258, Marso 18, 2010, Ponente: Honorable Associate Justice Conchita Carpio-Morales) ay angkop sa inyong sitwasyon. Ayon sa Mataas na Hukuman:
“Under Article 278 of the New Civil Code, voluntary recognition by a parent shall be made in the record of birth, a will, a statement before a court of record, or in any authentic writing. To be effective, the claim of filiation must be made by the putative father himself and the writing must be the writing of the putative father. A notarial agreement to support a child whose filiation is admitted by the putative father was considered acceptable evidence. Letters to the mother vowing to be a good father to the child and pictures of the putative father cuddling the child on various occasions, together with the certificate of live birth, proved filiation.
x xxx
The above quoted note does not contain any statement whatsoever about Arhbencel’s filiation to petitioner. It is, therefore, not within the ambit of Article 172(2) vis-à-vis Article 175 of the Family Code which admits as competent evidence of illegitimate filiation an admission of filiation in a private handwritten instrument signed by the parent concerned.”
Sang-ayon sa nabanggit na desisyon ng Kagalang-galang na Korte Suprema, ang private handwritten document kung saan nakasaad ang pangako na magbigay-suporta at walang tuwirang pagkilala sa batang sinusuportahan bilang kanyang anak ay hindi sapat na basehan o patunay ng kanilang filiation.
Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments