top of page
Search
  • BULGAR

KaSSSanga Collect, e-Wheels, umarangkada sa Abra

ni Fely Ng @Bulgarific | July 21, 2022


Hello, Bulgarians! Nilagdaan kamakailan ng Social Security System (SSS) Bangued Branch at local government unit (LGU) ng San Isidro, Abra ang Memorandum of Agreement (MOA) na makikinabang ang 107 job order (JO) at contract of service (COS) na manggagawa sa ilalim ng KaSSSangga Collect Program.

Sa ilalim ng partnership, ang JO at COS ay irerehistro bilang mga self-employed member ng SSS.


Samantala, ibabawas ng LGU ang mga buwanang kontribusyon mula sa suweldo ng mga manggagawa sa JO at COS at ipapadala ito sa SSS Bangued Branch ayon sa iskedyul.

Ang regular remittance ng mga SSS contribution ang daan upang maging kwalipikado ang mga manggagawa ng JO at COS para sa mga benepisyo sa social security tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, death and funeral, at mga benepisyo sa ilalim ng Employees’ Compensation Program tulad ng sickness, disability at death.


Maaari rin silang mag-avail ng SSS short-term loan privilege gaya ng salary and calamity.

Bilang karagdagan, ang “SSS eWheels sa Barangay” ay isinagawa rin upang dalhin ang mga serbisyo ng SSS sa mga barangay sa San Isidro at turuan ang mga residente kung paano gamitin ang iba’t ibang digital platform tulad ng SSS Website (www.sss.gov.ph), My. SSS Portal at usSSSap Tayo Portal.

Tinulungan din ng SSS ang mga nasasakupan ng LGU sa kanilang kontribusyon at pag-verify ng mga loan, pagpapatala ng disbursement account, benepisyo at mga loan application, at iba pang mga serbisyo sa SSS online.


 

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page