top of page
Search
  • BULGAR

Kasosyo ni Pacquiao… FLOYD MAYWEATHER, JR., MAGTATAYO NG BOXING ACADEMY SA 'PINAS

ni Janiz Navida @Showbiz Special | October 2, 2022


Nasa 'Pinas ngayon ang sikat na boksingerong tumalo kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Floyd Mayweather, Jr..


But ooops, wala pong boxing rematch na magaganap sa pagitan ng dalawa tulad ng inaabangan ng mga boxing fanatics.

Ang dahilan ng pagdating ni Mayweather, Jr. sa 'Pinas ay para sa documentary na gagawin ng AQ Prime para sa kanyang life story.


“His life story will not only entertain people but will also inspire people to be like him...” ang rason ng AQ Prime COO na si Atty. Honey Quiño kung bakit naisipan nilang gawan ng documentary ang buhay ni Floyd.


Ang good news pa sa pagpunta rito sa 'Pinas ni Mayweather ay ang nasabi niyang willing siyang magtayo ng boxing academy sa ating bansa at maging kasosyo ang nakalaban niyang si Manny Pacquiao para makatulong sa mga aspiring boxers na gustong sundan ang kanilang yapak.


Oh, 'di ba't bongga 'yun, may sariling eskuwelahan na para sa mga boksingero?!


At least, maiiwasan nga ang mga kapahamakan dahil matuturuan ng tamang technique ang mga gustong karirin ang boxing.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page