Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 27, 2023
Iniutos ng Sandiganbayan na mapatupad kanilang pasiya nu'ng Hulyo 2023 na nagtatakda sa kasosyo ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. na bayaran ang P2.1-milyong halaga ng pinsala sa mga manggagawa.
Ito ay matapos maglabas ang anti-graft court ng writ of execution nu'ng ika-7 ng Nobyembre para sa kanilang resolusyon nu'ng ika-18 ng Hulyo na nagsasabi na si Peter Sabido, isa sa mga kasosyo ni Marcos at isa sa mga nasasakdal sa Civil Case 0024, ay may pananagutang bayaran ang Diatagon Labor Federation (DLF) o ang grupo ng manggagawa ng Lianga Bay Logging Company Inc. (LBLCI) ng halagang P1 milyon para sa moral damages, P1 milyon para sa exemplary damages, at P100,000 para sa gastos ng kaso.
Kaugnay ito ng pag-angkin ni Sabido sa LBLCI na nagresulta sa pagkasira ng ikinabubuhay ng mga manggagawa ng kahoy.
Ibinasura ang kaso nu'ng Pebrero 2023 dahil sa kakulangan ng ebidensya, ngunit nag-apela ang grupo ng mga manggagawang DLF sa hatol at nakatanggap ng desisyong pabor sa kanilang panig nu'ng Hulyo 2023.
Comentários