top of page
Search
  • BULGAR

Kasong infanticide

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 16, 2022


Dear Chief Acosta,

Napatay ng aking kaibigan ang kanyang anak na dalawang araw na gulang pa lamang nang dahil sa selos. Murder ba ang kanyang nagawa dahil ito ang napapanood ko sa balita na ikinakaso sa mga taong nakakapatay?

Marck

Dear Marck,

Ang sagot sa inyong katanungan ay matatagpuan sa Article 255 ng Revised Penal Code na nagsasaad nito:


ARTICLE 255. Infanticide – The penalty provided for parricide in Article 246 and for murder in Article 248 shall be imposed upon any person who shall kill any child less than three days of age. (Binigyang-diin)


Malinaw na nakasaad sa batas na kapag ang biktima ng pagpatay ay isang bata na wala pang tatlong (3) araw ang edad, ang nakapatay ay maaaring managot sa krimen na infanticide. Samakatuwid, infanticide at hindi murder ang nagawa ng iyong kaibigan dahil napatay niya ang kanyang anak na noon ay may dalawang (2) araw na gulang pa lamang.


Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page