top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kaso at lugar na sakop ng search warrant

BULGAR
May 7, 2022
2 min read

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | May 7, 2022


Dear Chief Acosta,

Ang kapatid ko ay nasangkot sa illegal gambling. Kami ay nangungupahan lamang sa Maynila kasama siya. Nang magpalabas ng search warrant ang korte rito ay isinama sa pagpapatupad ang aming permanenteng tahanan sa Pampanga na aming inuuwian lamang kada tapos ng linggo ng trabaho. Tama po ba ito?

Nonato

Dear Nonato,

Para sa inyong kaalaman, ang search warrant ay isang kasulatan na pinag-utos sa ngalan ng People of the Philippines at pirmado ng isang hukom (judge) upang utusan ang kapulisan na maghanap ng personal na ari-arian na inilarawan sa dokumentong ito upang maidala ito sa korte (Rule 126, Section 1, Rules of Court).


Gayunpaman, mayroong mga alituntunin na dapat sundin bago makapaglabas ng search warrant at pinakamahalaga rito ang pagtutukoy ng probable cause ukol sa isang partikular na krimen, na gagampanan mismo ng hukom na naatasan, matapos ang kanyang pagsusuri sa bisa ng panunumpa sa batas ng nagrereklamo at ng kanyang mga saksi, kung saan partikular na inilalarawan ang lugar na paghahanapan at mga bagay na dapat makuha, saan man sa buong Pilipinas (Rule 126, Section 4, Rules of Court).


Bukod dito, mayroon ding limitasyon kung saang korte maaaring magsumite ng aplikasyon para sa isang search warrant. Maaari lamang magsumite ng aplikasyon para sa isang search warrant sa (a) korte na may territorial jurisdiction kung saan naganap ang krimen; o, (b) kung may compelling reason na nakasulat sa aplikasyon ng search warrant, sa korte na nasa parehong judicial region kung saan naganap ang krimen kung ang lugar kung saan naganap ang krimen ay batid, o sa korte na nasa parehong judicial region kung saan ipatutupad ang search warrant. Kung sakali naman na nakapag-file na ng kasong kriminal sa isang korte, ang aplikasyon para sa search warrant kaugnay ng krimen na ito ay maaari lamang isumite sa nasabing korte (Section 2, Rule 126, Rules of Court).


Gayunpaman, ang mga Executive Judge at Vice Executive Judge ng mga Regional Trial Courts ng Maynila at Lungsod Quezon ay maaaring magpalabas ng search warrant patungkol sa mga kaso ng heinous crimes, illegal gambling, dangerous drugs at illegal possession of firearms sa aplikasyon na isinumite ng PNP (Philippine National Police), NBI (National Bureau of Investigation), PAOC-TF (Presidential Anti-Organized Crime Task Force), at REACT-TF (Reaction Against Crime Task Force). Ang mga nasabing search warrants ay maaaring maipatupad sa mga lugar na labas sa territorial jurisdiction ng mga nasabing korte (A.M. No. 99-10-09-SC; Spouses Marimla vs. People of the Philippines and Hon. Viola, G.R. No. 158467, 16 October 2009, Ponente: Honorable

Former Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro).


Gayung ang kaso na kinasangkutan ng iyong kapatid ay may kinalaman sa illegal gambling, masasabi nating maaaring gamitin ang nasabing search warrant na nilagdaan ng huwes sa Maynila sa inyong tahanan sa Pampanga.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang inyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na inyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng inyong salaysay.


Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page