Kasamang naglalaro ni Tita Cory, pumalag… DIREK DARRYL: WA' MASAMA SA PAGMA-MAHJONG NG MGA MADRE
- BULGAR
- Aug 5, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 5, 2022

Sinagot ng direktor ng Maid in Malacañang na si Darryl Yap ang naging reaksiyon ng Carmelite nuns of Cebu sa controversial “mahjong scene” sa nasabing pelikula.
Last Aug. 2 ay lumabas kasi ang statement ng Carmelite sisters tungkol sa nasabing eksena.
“Depicting the nuns as playing mahjong with Cory Aquino is malicious. It would suggest that while the fate of the country was in peril, we could afford to leisurely play games. The truth was that we were then praying, fasting and making other forms of sacrifices for peace in this country and for the people’s choice to prevail,” bahagi ng statement ni Sr. Mary Melanie Costillas, Prioress of Carmelite Monastery.
Bilang sagot ay nag-release rin ng statement si Direk Darryl sa VinCentiments Facebook page at iniimbitahan niya ang mga madre to watch the film. Sinabi rin niya na wala namang masama sa mahjong.
“I would like to invite our Sisters to watch the film; if they are ostentatious about details, I don’t think there is a need for this “ouch” and “involvement”.
“Nu'ng pinaalis ng bansa ang Pamilya Marcos, wala po si President Cory sa isang monasteryo.
Wala rin pong masama sa “Mahjong”, pampalipas-oras man o pang-magkakaibigang-laro,” pahayag ni Direk Darryl.
“Tungkol po sa point ni Monsignor Tan at ng Carmelite Nuns, na hindi ko po sila kinonsulta sa eksena – hindi ko po kasi naisip na kailangan,” dagdag pa ng direktor.
Sey pa ni direk, wala naman daw binanggit na “Carmelite Sisters” sa eksena.
“Pero kung talagang dapat pong ikinonsulta ko ang paggawa ko ng pelikula, hihingi ako ng advise kay Valak kung paano, kailan at kanino siya kumonsulta,” sey pa ni Direk Darryl.
Nitong Aug. 3, Wednesday, ay nagsimula nang ipalabas ang MiM sa mga sinehan at isang malaking tagumpay ang first day showing nito. The movie grossed P21M at ngayon lang ulit nagkaroon ng ganito kalaking kita ang isang pelikula simula nang magka-pandemic.





Comments