Kasama sina Sen. Bong, Lito at Jinggoy... ROBIN: MAS GUWAPO KAMI SA MGA KOREANO
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 22, 2022

Nabuhay palang muli ang “apat na sikat.” This time, hindi sa isang TV show naibalik ang “Apat na Sikat” kundi sa Senado.
Ang dating action star at ngayo’y senador na si Robin Padilla ang nagbulgar sa isang committee hearing sa Senado na may tinatawag silang “Apat na Sikat."
Isa roon ay mismong si Senador Robin, habang ang tatlo pa ay ang mga kapwa niya senador na sina Lito Lapid, Ramon “Bong” Revilla, Jr., at ang lider daw nila na si Sen. Jinggoy Estrada.
Matatandaan na ang taguring “Apat na Sikat” ay nagmarka sa dalawang sikat na love teams noong dekada '70 na sina Maribel “Lala” Aunor-Arnold Gamboa at Winnie Santos-Dondon Nakar. Ang yumaong TV host-comedian na si Ike Lozada ang nagbansag sa kanila ng “Apat na Sikat.”
“Alam n'yo po kami nina Sen. Jinggoy Estrada, wala po kaming pinag-uusapan dito ng Apat na Sikat kung tawagin kundi kung paano po namin matutulungan ang industriya. Katunayan po niyan, ni-recruit pa po namin si Sen. Grace Poe kaya limang sikat na po ang tawag,” lahad ni Sen. Robin kay FDCP Chairman Tirso Cruz III during a hearing sa Senado.
Sabi pa ni Robin, napansin daw nila na parang wala nang gustong manood ng sine at nakatutok na lang sa online streaming.
Naguguluhan daw silang “Apat na Sikat” kapag tumitingin naman sila sa salamin ay buong-pagmamalaki niyang sinabi na mas pogi naman sila kesa sa mga artista ng South Korea.
“Wala namang inayos sa amin kasi itong ilong ko, kahit suntukin nang sampung beses, walang inayos dito. Eh, palagay n'yo po, bakit mas gustong panoorin ng ating mga kababayan ang gawa ng mga Koreano kesa po sa mga gawa natin?” tanong ni Robin kay FDCP Chairman Tirso.
Nag-react ang mga netizens sa mga pahayag ni Sen. Robin.
“Because being good looking alone is not enough, kulang sa substance, kulang sa depth. Iilan ang nag-a-attempt sa bago at ibang concept because there’s no money in it.”
“Jinggoy and Robin are some of the reasons why our showbiz industry has gone so bad.”
“Please stop this nonsense! Geez! Daming issue ng bansa, why not focus on serious matters?
Magtrabaho kayo nang maayos.”
'Yun na.





Comments