Kasama si Elias… HONEYMOON NINA DEREK AT ELLEN SA AFRICA, NATULOY NA!
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 27, 2022

Nag-post sa social media ang showbiz couple na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna ng kanilang biyahe sa Africa.
Finally, natuloy na rin ang plano nilang honeymoon. Hindi nila nagawa agad ito dahil marami silang inasikaso pagkatapos ng kanilang kasal. At mahigpit pa rin sa mga turista dahil sa COVID-19.
Kasama nilang bumiyahe si Baby Elias. For sure, naipagpaalam naman ni Ellen kay John Lloyd ang pagsama sa kanila ng cute na bagets.
Well, it seems tahimik na rin naman ngayon ang mundo nina Derek at Ellen. Hindi na sila masyadong naba-bash. At wala na ring issue na ibinabato sa kanila.
Si Derek, mukhang natagpuan na nga ang kanyang hinahanap na peaceful at happy life sa piling ni Ellen Adarna at same rin naman ang dating sexy star na dumaan sa maraming relasyon pero nauwi rin sa happy ending.





Comments