Kasama sa El Nido beach… BARBIE, ABOGADO ANG IPINALIT KAY DIEGO
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | May 21, 2022

Nagpaliwanag na si Barbie Imperial hinggil sa kumalat na larawan nila ni Xian Lim na magkasama sa isang hotel sa Davao Oriental.
Binigyang-kulay kasi ng mga netizens ang larawan ng dalawang celebrities at diumano'y may 'something' na namamagitan sa kanila.
May isa pang netizen na kinuha pa ang attention ng girlfriend ni Xian na si Kim Chiu.
Kahit dinepensahan ng mga fans sina Xian at Barbie ay ayaw pa ring tumigil ng mga Mosang (tsismosa).
Hindi naman nag-react si Xian dahil isa lang daw 'yung non-sense rumor.
Pero si Barbie ay may eksplanasyon para na rin sa ikatitiwasay ng lahat.
“It was actually the hotel where we stayed at noong nag-campaign kami nina Xian sa Mati, marami kami. My room and Xian’s room. Nag-favor ‘yung hotel if puwede mag-photo,” ani ng Kapamilya actress.
Prior to this, may kumakalat na ring balita na may bago nang boyfriend ang aktres after ng relasyon nila ni Diego Loyzaga, si Atty. Miko Clavano ng Bisaya Gyud Partylist.
Kamakailan lang ay kumalat ang larawan ng rumored couple na magkasamang nagkakasiyahan sa isang bar sa El Nido Beach kasama ang ilan nilang mga kaibigan.
Sa ngayon ay wala pang paglilinaw o pag-amin si Barbie tungkol sa bago raw niyang boyfriend.





Comments