top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Kasama pa rin ang 2 anak… KRIS, UMALIS NA SA TEXAS, LUMIPAT SA L.A.

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 8, 2022



Sharp and makulit as ever pa rin daw si Kris Aquino na kasalukuyang nasa US pa rin kasama ang dalawang anak na sina Joshua and Bimby.


Ayon sa update ng kasamahang Dindo Balares na isa sa malalapit na kaibigan ni Kris, naka-chat niya ang Queen of All Media at nagpadala pa ng video sa kanya kasama ang 2 anak.


“Kumusta na si Kris? As sharp as ever at makulit pa rin,” tsika ni katotong Dindo sa kanyang Facebook post.


“Kumpirmado ang inilabas ni Ogie Diaz sa YouTube na umalis na sa Texas at lumipat sa Los Angeles si Krisy.


“May ipinadala siyang video with Kuya Josh at Bimb, puwede sanang i-screen grab para pang-update sa kanilang followers, pero 'di ko naipagpaalam kaya itong isa sa mga dating photo namin muna ang ipo-post ko,” patuloy niya.


Kuwento pa ni Dindo, si Kris pa nga ang updated sa kanyang mga aktibidades bilang farmer at nagsabi pang sabihin lang sa kanya kung may kailangan siya.


"Please tell me if there’s anything Kuya Dindo The Farmer needs," sabi raw sa kanya ni Kris.


“She's as sharp, concern, and loving as ever,” sey pa ni Dindo about Kris.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page