top of page
BIDA - XIAN GAZA, SOBRANG LIBELOUS ANG PANINIRA KAY ALDEN, NAGTATAGO SA THAILAND_FB Christ

Kasama ang misis at 3 anak... Nurse pinagbabaril, todas

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | October 25, 2026



Nurse binaril sa Abra - Circulated

Photo: Circulated



Patay ang isang lalaking nurse habang sugatan ang kanyang 10-anyos na anak na babae matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin ang kanilang sasakyan sa Brgy. Bacsil-Anggad, Bangued, Abra nitong Biyernes ng gabi.


Kinilala ng Bangued police ang nasawing biktima na si Mark Kenneth Acedo.

Batay sa imbestigasyon, galing sa paglalakad si Mark kasama ang asawa at tatlong anak sa Abra Sports Complex.


Sakay na ng kanilang sasakyan ang mga biktima nang pagbabarilin umano ng hindi nakilalang mga salarin.


Dahil sa pamamaril, bumangga ang kotse ng mga biktima sa isang nakaparadang sasakyan.


Agad na isinugod ng mga residente ang mga biktima sa ospital, subalit hindi na umabot ng buhay si Mark.


Nagpapatuloy ang imbestigasyon upang madakip ang mga suspek at mabatid kung ano ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page