Kasama ang mga kapitbahay... Lalaki niratrat sa inuman, utas

7 hours ago
1 min read
ni janice Baricuatro @News | November 4, 2026

Photo: File
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakikipag-inuman sa mga kapitbahay sa Brgy. Litlit, Silang, Cavite.
Kinilala ang biktima sa alyas J, na nagtamo ng hindi bababa sa limang tama ng bala matapos pagbabarilin ng suspek na naka-bonnet alas-8:30 ng gabi.
Tumakas ang salarin sakay ng sasakyan. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang suspek at motibo sa pamamaril.





Comments