Kasama ang GF sa camp site... Binata tinamaan ng kidlat, dedbol

by Mai Ancheta @News | November 2, 2026

Photo: FP FIle
Patay ang isang 19-anyos na binata matapos tamaan ng kidlat sa isang camping site habang kasama ang girlfriend sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Kilog Libona, Bukidnon.
Kinilala ang biktima na si John Nashville Gonzales, taga- Cagayan de Oro City.
Lumitaw sa imbestigasyon na nasa reception area ng Cowboys Camp sa Mount Kilagas, ang biktima at mga kasama nito nang maganap ang insidente.
Mabilis na sinaklolohan ng rescue personnel ang biktima at dinala sa ospital subalit idineklarang dead-on-arrival.





Comments