top of page
Search
  • BULGAR

KASALANG KRIS-VG MARC, INAABANGAN NA

ni Julie Bonifacio @Winner | April 25, 2024





IKAKASAL na sina Kris Aquino at Batangas Vice-Governor Marc Leviste. ‘Yan ang sapantaha ng mga netizens sa latest post ni Marc sa kanyang Instagram kahapon.


Sa ipinost ni Marc na video sa IG (Instagram) ay ibinalita na ang gobernador ng Batangas na siHermilando Mandanas ay ikakasal na next month.


Caption ni Marc: “THE BIG REVEAL: Ang Governor ay…”


Sa comment section, very persistent ang mga followers ni Marc sa IG kung ikakasal din ba sila ng GF na si Kris Aquino. “Ikaw po ba, Sir Mark Leviste ang ikakasal kay Kris Aquino po ba?” Nag-reply si Marc sa tanong ng netizen sa pamamagitan ng isang emoji ng dalawang kamay na nakataas at heart sign. Meaning, he likes the idea and hoping si Marc na maikasal sila ni Kris.


Komento ng mga netizens: “Ay, ikakasal na.”


“Sir, is it YES, Sir? Always praying for KRIS complete (recovery).”


“Go for Mark Leviste.” 


“Vice-gov. Wish ko po kayo ikasal ni Ms. Kris dito sa Batangas.”


Bakit hindi? Mukhang wala namang legal impediment na magiging balakid sa pagpapakasal nina Marc at Kris.


Baka naman waiting pa ang dalawa kapag gumanda na ang health condition ni Kris at mag-18 si Bimby.


Samantala, may nagpu-push din kay Marc sa socmed na tumakbong senador sa 2025.

“Boss Mark for Senate.”


“Mark Leviste for senator. Mas marunong at magaling 'yan kesa kina Robin, Bato, Bong Go, at Lito Lapid. Dapat magising na mga Pinoy.”


At kapag nagkataon, magkakasagupaan pa sila ng ex ni Kris na tatay ni Joshua na si Phillip Salvador sa pagka-senador sa 2025 elections.


Hmmm…. Interesting, huh?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page