top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg

KASALANG KATRINA-KRIS, INAABANGAN NA

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 26, 2026



TEKA NGA - KASALANG KATRINA-KRIS, INAABANGAN NA_IG _imkrislawrence

Photo: IG _imkrislawrencelle Pangilinan - FB



Grabe ang pagtanggap ng iba’t ibang fans club sa tambalang Katrina Halili at Kris Lawrence. Mala-AlDub ang kanilang tandem dahil dinudumog kahit anong event ang kanilang daluhan.


Well, muli silang pinaglapit ng tadhana dahil sa anak nilang si Katie, kaya madalas silang nagkakasama ngayon.


Marami rin ang nakapansin na blooming ngayon si Katrina at may kakaibang glow sa kanyang mga mata kapag kasama niya si Kris. Dumami ang endorsements niya ngayon lalo na sa beauty products.


Wish ng kanilang mga fans ay mauwi na sa totohanan ang lahat at magpakasal na sila upang maging lubos na ang kaligayahan ng kanilang anak.


Samantala, all-out ang suporta ng iba’t ibang grupo ng kanilang fans club tulad ng KKK (Katrina, Kris at Katie) Fam Solid Supporters, Team KKK Worldwide Solid, KKK Fanatics International, KKK Fam Squad Official at KaTrence Global.


Tuwang-tuwa ang mga Katrina-Kris fans sa kanilang tandem dahil nakakawala raw ng stress kapag napapanood nilang sweet ang dalawa sa isa’t isa. Umaapaw ang kilig factor sa kanilang tandem.





Ibinuking ni Michael V. 

JAYA, 2 NA ANG APO



LOLA na pala ang singer na si Jaya. 

Si Michael V. ang nagbuking nito nang maging contestant si Jaya sa game show na Family Feud (FF). 


Dalawa na ang apo ni Jaya, at hindi niya ito itinatago sa publiko.


Ang anak naman niyang si Sabriya na 20 years old pa lamang ay mukhang susunod sa kanyang yapak bilang singer. Nagko-compose rin ito ng mga awitin at may sariling album.


Malaking challenge kay Sabriya ang maging anak ng magaling na singer at apo ng world-class ding veteran singer-performer na si Elizabeth Ramsey. Kailangang mapatunayan niya na may sarili rin siyang talent at hindi nakadepende sa kanyang mom.


Hindi naman naghahangad si Sabriya na maging overnight sensation. Gusto niyang matutunan muna ang lahat sa mundo ng musika.





GAMAY na gamay na ni Michael V. ang pagho-host ng game show na Family Feud (FF). Maraming viewers ang naaaliw sa kanyang style na may element of comedy, kaya relaxed na relaxed ang mga contestants.


Kahit nadagdagan ang shows ni Bitoy, hindi niya napapabayaan ang Bubble Gang at ang sitcom na Pepito Manaloto (PM). Ibang-iba ang samahan ng ‘Tropang Bubble Gang’ sa cast ng PM, pero pareho niyang ine-enjoy.


At ang paghalili naman niya kay Dingdong Dantes bilang host ng FF ay kakaibang experience rin. Sumasabay din siya sa pagtuklas ng mga karagdagang kaalaman mula sa mga contestants.



At this point of Michael V.’s life, matapos ang halos tatlong dekada niya sa showbiz, kinilala na ang galing niya sa pagpapatawa na sumasabay sa bagong henerasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page