Kasalanan ng ‘bulok’ na pulis, nadamay ang buong kapulisan, tsk!

ni Ka Ambo - @Bistado | December 23, 2020
Walang awang binaril at napatay ng isang Pulis-Paranaque ang “mag-ina” sa Paniqui, Tarlac.
Nadamay ang buong kapulisan!
◘◘◘
Nai-video ang krimen kaya’t nawalan ng palag ang suspek.
‘Yan ang kahalagahan ng CCTV camera!
◘◘◘
Masamang repleksiyon ito sa liderato ni PNP Chief Debold Sinas.
Pati siya ay nadamay.
Tsk-tsk-tsk!
◘◘◘
Maraming Pinoy ang may turok ng COVID vaccine.
Sana all!
◘◘◘
May giyera-patani sa gabinete ni P-Digong.
Tipikal sa pangulo na malapi nang maging “lameduck”!
◘◘◘
Kumbaga, sa pekwa, sino ang “mando” sa laro sa Malacañang?
Kwidaw!
◘◘◘
Tiyak na gagamitin laban sa Pamilya Duterte ang kabulastugan ng ilang pulis.
‘Yan ay kung “Duterte” ang ilalaban ni PDigong sa panguluhan.
Go-go-go!
◘◘◘
Social media na ang bakbakan sa 2022 election.
Imbes na bigas, tablet na ang reregalo sa mga botante!
◘◘◘
Marami nang nagwa-‘wowowin’ sa social media.
Namimigay sila ng sanrekwang papremyo.
Ha-ha-ha!
◘◘◘
Binaha pa rin ang Mindanao bago mag-Pasko.
Ayaw talagang tantanan ang birthday ng Kristo!
◘◘◘
Nagdarasal ang ilan na i-veto ni P-Digong ang “pork barrel” gamit ang DPWH fund ng mga buwaya.
‘Yan ay kung hindi siya kakutsaba!
◘◘◘
Bawal ang firecrackers ngayong New Year.
Kukumbidahin ko na lang ang kapitbahay kong bungangera para salubungin ang 2021!
◘◘◘
Maraming manggagawa ang naghihintay ng bonus pero walang dumating.
Pero mas marami ang naghihintay ng trabaho pero wala pa ring naririnig sa kanilang amo!





Comments