Kasalan, next na, Ruru? BIANCA, IDINISPLEY NA ANG SUOT NA SINGSING
- BULGAR
- Oct 25, 2022
- 1 min read
ni Nitz Miralles - @Bida | October 25, 2022

Tinanong sina Ruru Madrid at Bianca Umali kung ano ang ibig sabihin ng pareho nilang caption sa kani-kanyang post na “I found the right one.”
Sa post ni Ruru, larawan lang ni Bianca ang naka-post.
Sa post ni Bianca, picture lang ni Ruru ang inilagay at ipinakita ang daliri niyang may singsing.
Pati si Mylene Dizon, napatanong ng “Huy, ano 'yan?" samantalang si Darren Espanto, nag-congratulate.
Si Ken Chan, parang nainggit sa comment na “Nakaka-happy kayong dalawa.”
Nag-congrats din si Kim Atienza.
Ang daming nag-congratulate kina Ruru at Bianca at may nagtanong kung engagement na ba ‘yun?
Ang iba naman, sinigurong malapit na ang kasalan at ang iba, ang suot na singsing ni Bianca ang pinansin na diamond ring daw.
Anyway, good news sa fans nina Ruru at Bianca ang balitang magtatambal sila sa isang serye sa GMA-7, kaya lang, pagkatapos pa o baka bago gawin ni Bianca ang Sanggre.




Comments