Kasal, tagilid… BEA, AMINADONG MAY UGALI SIYANG AYAW NI DOMINIC
Updated: Feb 6, 2024
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | February 5, 2024

Kani-kanya ng reaction ngayon ang mga fans nina Bea Alonzo at Dominic Roque dahil sa nagaganap na tampuhan ng engaged showbiz couple.
May ilang fans ni Bea ang namba-bash kay Dominic. Bakit daw hindi nito tulungan si Bea sa kanilang wedding preparations? Tuloy, nape-pressure at nai-stress si Bea at naaaburido na sa dami ng kanyang aasikasuhin para sa kanilang kasal.
Say pa ng mga Bea fans, mas binibigyan pa raw ng panahon ni Dominic ang pagdamay kay Kathryn Bernardo na kabe-break lang kay Daniel Padilla.
Buwelta naman ng mga fans ni Dominic Roque, demanding lang si Bea dahil sa nalalapit niyang wedding. Kung tutuusin, intimate wedding lang naman ang plano nila at sa abroad pa gaganapin. Hindi na ganu’n kalaki ang magiging preparasyon nila lalo na kung may wedding planner naman.
Baka naman si Bea Alonzo raw ang may “change of heart” at urong-sulong sa desisyon niyang magpakasal?
Aminado naman dati pa si Bea na ang ugali niyang inaayawan ni Dominic ay ang pagiging indecisive niya. Ang tagal-tagal niyang magdesisyon kahit sa pagpili lang ng resto na kanilang kakainan kapag sila ay nagde-date.
Kaya ang pakiusap ng mga fans ni Dominic sa mga tagahanga ni Bea ay ‘wag namang masyadong hamakin ang kapasidad ng aktor. Hindi siya magiging pabigat kay Bea Alonzo sakaling makasal na sila. May sariling negosyo si Dominic at kaya niyang buhayin nang marangya si Bea at ang kanilang magiging anak.
Naging nega sa hiwalayan nila ni Kathryn… DANIEL, PALUBOG NA ANG CAREER, WALA PA RING GINAGAWA

Dapat nang kumilos ang kampo ni Daniel Padilla upang isalba ang career niya.
Malaki ang naging epekto kay Daniel nang mabunyag ang pagiging chickboy niya kaya nakipag-break sa kanya si Kathryn Bernardo.
Kahit na 11 years pa ang itinagal ng kanilang relasyon, hindi ito pinanghinayangan ni Kath. Ilang beses na niyang pinatawad si Daniel sa panloloko sa kanya at may hangganan ang lahat.
Hindi nagpakamartir si Kathryn at tuluyang nagising sa katotohanan.
Nakuha ni Kathryn ang simpatya ng publiko at bumuhos ang suporta ng lahat sa kanya,
samantalang nawalan ng ilang endorsements si DJ nang maghiwalay sila.
Tuluyan nang nabuwag ang tambalang KathNiel. Si Kathryn, umarangkada nang husto ang career at mas naging in demand na endorser.
Pumirma siya ng bagong contract sa Star Magic kaya may mga projects na inihahanda na para sa kanya.
Si Daniel, dapat ay ayusin na rin ang career. Makabubuting solo-solo na lang siya dahil hindi na maibabalik pa ang tandem nila ni Kathryn. Kumilos na siya bago pa tuluyang lumamig ang kanyang career.

Masaya ang buong cast ng Atty. Lilet Matias dahil makakasama-magiging bahagi ng legal serye ang Superstar-National Artist na si Nora Aunor.
Naging close si Aunor noon kay Jo Berry nang magkasama sila sa Onanay.
Powerhouse ang cast ng Atty. Lilet Matias dahil kasama rito sina Gina Alajar, Rita Avila, Sheryl Cruz, Camille Prats, Angelika dela Cruz, Bobby Andrews, Jestoni Alarcon, Jason Abalos, Juancho Trivinio at Glenda Garcia.
Bagama’t hindi sila nagkaroon ng eksena ni Nora Aunor, excited din si Glenda Garcia na maging bahagi ng Atty. Lilet Matias ang isang Superstar.
Si Jo Berry ang madalas na kaeksena ni Glenda dahil siya ang gaganap na nanay-nanayan nito sa Atty. Lilet Matias.
Thankful si Glenda sa magagandang blessings na dumarating sa kanyang buhay. Nagpapasalamat din siya sa GMA Network sa patuloy na pagtitiwala sa kanyang kakayahan. Kahit paano ay hindi siya nababakante at nakakatrabaho pa niya ang magagaling na artista.
Masaya at ang gaan-gaan ng work condition nila sa set ng Atty. Lilet Matias dahil game ang lahat at para silang isang pamilya.
Ang legal seryeng Atty. Lilet Matias ay mula sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. at mapapanood na sa Marso.





Comments