Kasal sa orig, ipinapawalang-bisa… IVANA, GUSTONG PAKASALAN NI CONG. ALBEE
- BULGAR

- Jun 7, 2025
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | June 7, 20255
Photo: Ivana Alawi - IG
Maraming netizens ang hindi makapaniwala nang pangalanan si Ivana Alawi ng misis ni Cong. Albee Benitez sa complaint affidavit nito nang magsampa ng Anti-VAWC case laban sa mister.
Ang imahe kasing ipinapakita ni Ivana sa kanyang mga fans at lagi rin niyang sinasabi sa kanyang mga interviews ay “hard to get” siya at traditional ang gustong paraan ng panliligaw sa kanya.
Kaya naman marami ang hindi makapaniwala na papatol si Ivana sa isang pamilyadong lalaki na tulad ni Cong. Albee.
Tanong naman ng ilang netizens, ano kaya ang nakita ni Cong. Albee kay Ivana Alawi bukod sa ganda at kaseksihan nito para mag-file ng petition para maipawalang-bisa ang kasal nila ng misis.
Feeling ng mga netizens, gusto nang pakasalan ni Cong. Albee si Ivana kaya gusto na nitong lumaya sa misis.
Sa sinabi kasi ng kongresista at businessman na 21 yrs. na silang hiwalay ng misis at sa ibinulgar naman ng huli na maraming nakarelasyon si Cong. Albee tulad nina Daisy Reyes, Andrea del Rosario (bukod pa sa kumalat na photos ng kongresista kasama sina Yen Santos at Angeli Khang), bakit ngayon lang daw nito gustong mapawalang-bisa ang kasal?
Isa pang tanong ng mga netizens, si Ivana kaya ang humingi kay Cong. Albee na magpa-annul para maging legal wife siya?
Well, sa ngayon ay nonchalant pa si Ivana at mukhang hindi pa handang harapin ang latest controversy na kinasasangkutan niya.
So, let's give her the right time para linawin ang lahat.
AWARE ang IHeart PH host na si Valerie Tan na kamukha niya si Toni Gonzaga at hindi na raw siya nagugulat kapag may nagsasabi nito sa kanya.
Pero nang sabihin naming kamukha rin niya si Heart Evangelista, mas natuwa si Valerie at sinabing “Gusto ko ‘yan!”
Matagal nang host ng IHeart PH na nasa Season 10 na nga ngayon si Valerie at enjoy na enjoy naman ang dating theater actress sa kanyang ginagawa lalo't iba't ibang lugar ang kanilang pinupuntahan at tinutuklas sa show at iba't ibang klase ng pagkain din ang kanyang natitikman.
Sa Season 10 ng IHeart PH, mga hindi pa masyadong kilalang pasyalan at kainan sa Hong Kong ang ipapakilala ni Valerie sa pakikipagtulungan ng show sa Hong Kong Tourism Board.
Itatampok sa show ang iba’t ibang atraksiyon tulad ng HK Disneyland, Ocean Park, Panda Village at maging ang fishing village na hindi napupuntahan ng mga turista.
Sa mediacon, tinanong namin si Valerie kung marami rin bang cute guys sa Hong Kong na maaaring nagpatibok ng puso niya, pero aniya, matagal na pala siyang kasal, though wala pa silang anak.
Hindi naman daw sila nagmamadali ng kanyang mister at hindi rin naman ipinagbabawal sa IHeart PH na mabuntis siya. At kung darating ang baby, welcome naman ito sa kanilang mag-asawa.
Anyway, mapapanood na ang Season 10 ng IHeart PH simula sa Linggo, June 8, 10:30 AM sa GMA TV.
INIHARAP na sa media ang 24 candidates ng Mr. & Ms. Lipa Tourism 2025 na ginanap sa Jet Hotel sa Lipa, Batangas.
Twelve girls and 12 boys ang kasali this year na first time mangyayari sa Lipa na pinagsama na ang Mr. & Ms. Lipa kaya thankful si Konsehal Venice Manalo na sa term niya nangyari ito.
Present that day si Konsehal Venice kasama ang President ng Lipa Tourism Council na si Mr. Joel Peña, ang chairman ng Lipa City Foundation Day Celebration, and Ms. Aylene Acorda na punong-abala sa event.
Hindi lang nakarating si Lipa Mayor Eric Africa pero all-out support naman daw ito sa project ng Lipa Tourism Council.
Anyway, nakakatuwa ang mga kalahok this year dahil hindi lang beauty ang kanilang panlaban kundi may utak din ang mga ito at aware na aware sila sa mga kaganapan at kakulangan sa kanilang lungsod na puwede pang ma-improve at makapagbigay sila ng tulong once na sila ang mapiling tanghaling Mr. & Ms. Lipa Tourism 2025.
Isang female candidate nga ang game na game na sumagot kung ano ang gusto niyang iparating kay Batangas Gov. Vilma Santos sakaling siya ang mag-uwi ng korona.
Karamihan din sa kanilang advocacy ay tumutukoy sa nature preservation sa Lipa at ma-improve pa ang maraming tourist spots doon.
Sa June 19 na ang coronation night at for sure inaabangan na rin kung darating si Ate Vi sa event.






Comments