Kasal, nai-announce na, ‘di pa natuloy… BEA, PUWEDENG MAGHABOL NG DANYOS KAY VINCENT
- BULGAR

- 2 hours ago
- 3 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 5, 2026

Photo: - IG _beaalonzo
Masakit man na naudlot ang kasal nila ng businessman na si Vincent Co, tanggap na ito ni Bea Alonzo at hindi niya iniyakan. Hindi rin siya nagmukmok at nag-self-pity.
Sa halip ay ibinaling niya sa trabaho ang kanyang panahon, ganoon din sa kanyang mga negosyo.
Sa aspetong ito siya hinahangaan ng maraming kababaihan. Ipinakita lang daw ng aktres ang kanyang katatagan sa gitna ng mga pagsubok na kanyang pinagdaanan.
Well, blessing in disguise na hindi natuloy ang kasal nila ni Vincent Co. Isang psychic kasi ang humula na kung natuloy man ang kasal nila ni Vincent ay maghihiwalay din sila.
Samantala, may ilang netizens naman ang nagsa-suggest na humingi siya ng danyos sa pamilya ni Vincent Co sa hindi pagkakatuloy ng kanilang kasal. For moral damages daw ito dahil naipaalam na sa publiko ang tungkol sa kanilang kasal sa Spain, bukod pa sa announcement ng kanilang wedding banns sa isang simbahan sa Manila.
Naalala tuloy namin ang sinabi ni Bea sa kanyang guesting noon sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA). Nabanggit niyang sobra siyang magmahal at may hidden fear o trauma siya na laging iniiwan ng taong mahal niya. Nag-ugat ang trauma na ito nang iwan sila ng kanyang biological dad.
Pero sa ngayon ay tanggap na ni Bea Alonzo kung anuman ang kanyang magiging kapalaran, kung makakapag-asawa pa siya o magiging single na lamang.
Ang mahalaga ay napaghandaan niya ang kanyang future at nabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina at mga kapatid.
Babu sa GMA-7, balik-ABS-CBN…
CARMINA, GUSTONG MAG-LEVEL-UP
CAREER move kaya para kay Carmina Villarroel ang paglipat niya ngayon sa Kapamilya Network?
Mahigit isang dekada na siyang napapanood sa mga serye ng GMA-7. Nakasama rin niya sa ilang shows si Zoren Legaspi at ang kanilang mga anak na sina Mavy at Cassy.
Kaya marami ang nagtatanong kung maganda ba ang offer sa kanya ng Kapamilya Network kaya hindi niya ito natanggihan?
Anyway, hindi na big deal ngayon ang paglipat ng mga big stars sa ibang network. Maaaring may gusto lang silang project na kakaiba sa dati nilang ginagawa.
Uso na rin ang collaboration ng malalaking networks at pagpapalitan ng mga artista. Maayos namang nakapagpaalam si Carmina sa mga boss ng GMA Network.
Sa tagal niya sa showbiz, wala siyang naging issue sa kanyang mga co-stars at direktor. Marunong siyang makisama sa lahat.
Bilang artista, dumarating din ang panahon na naghahanap siya ng panibagong challenge para mai-level-up ang kanyang craft, at ito ang posibleng dahilan ng kanyang paglipat sa Kapamilya Network.
HINDI kami aware na nagkaroon pala ng tampuhan noon sina Jennylyn Mercado at Ryza Cenon during their StarStruck days.
Si Jen ang Ultimate Female Survivor ng unang season habang si Ryza naman sa StarStruck 2.
Pareho silang in demand noon sa mga shows ng GMA-7 at may kani-kanyang grupo ng mga fans at supporters.
Hindi naman siguro lalaki ang dahilan ng gap nina Jennylyn at Ryza, maaaring professional rivalry pa.
Sayang dahil nang mag-guest si Ryza sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) ay hindi naitanong ang tungkol sa dati nilang isyu. Pero sabi nga ng aktres, kinalimutan na niya ang mga nakaraan at mas pinipili na niya ang tahimik at masayang buhay.
Well, balik-GMA Network na si Ryza Cenon pagkatapos ng ilang taon sa ABS-CBN. Nasa pangangalaga siya ngayon ng Viva Artist Management.
Si Jennylyn Mercado naman ay nananatiling loyal sa GMA Network at patuloy na binibigyan ng magagandang proyekto. Masaya rin ang kanyang married life kasama si Dennis Trillo at patuloy pa rin ang kanyang endorsements at matatag na career.
HINDI makapaniwala ang Sparkle artist na si Anton Vinzon na siya ang napili upang magbida sa bagong seryeng Kamao ng GMA-7.
Makakasama pa niya rito ang kanyang amang si Roi Vinzon, na tiyak na gagabay sa kanya sa tamang pag-arte sa role na kanyang ginagampanan.
Biggest break ito ni Anton sa kanyang career kaya naman pinaghandaan niya nang husto. Hindi madali ang role niya kaya inaasahang masusubok ang kanyang galing at babantayan ng mga kritiko.
May ilang nagsa-suggest na sana ay kinuha rin bilang special guest si Eman Bacosa Pacquiao sa serye na gaganap na boksingero, BFF sana ni Anton Vinzon. Anila, malaking tulong ang tunay na karanasan nito sa boxing upang maging mas makatotohanan ang kanyang role.





Comments