Kasal, malabo pa… LOISA, SURE NA SURE NANG SI RONNIE ANG 'THE ONE' NIYA
- BULGAR
- Jul 15, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 15, 2023

Sure na si Loisa Andalio na si Ronnie Alonte na ang “the one” para sa kanya pero ang kasal ay medyo malayo pa raw dahil mga bata pa nga sila.
“Napag-uusapan naman po namin, pero siyempre, nandu’n ‘yung kailangan muna naming mag-work ngayon,” sey ni Ronnie nang makatsikahan namin nu’ng Huwebes (July 13) sa mediacon ng Pira-Pirasong Paraiso na first collaboration ng ABS-CBN and TV5.
Hirit naman ni Loisa, “Saka bata pa po kami, marami pa po kaming gustong gawin.”
Sey ulit ni Ronnie, darating at darating naman daw sila sa ganu'ng stage pero hindi naman daw sila nagmamadali.
When asked kung ilang taon pa nila nakikita ang kanilang sarili bago makarating sa marriage, ani Loisa ay siguro raw bago siya mag-30 years old.
Okay na raw ang age na ‘yun at kumbaga, hindi pa sila mahihirapang makabuo ng pamilya or magkaroon ng anak.
“Hangga’t napapakinabangan pa kami sa industriya, lalaban pa kami,” sabi ni Ronnie.
Ngayon nga ay may bago na naman silang teleserye, kaya sobrang thankful nila sa ABS-CBN.
“Hindi naman lahat, nabibigyan ng ganitong opportunity kaya lagi kaming thankful talaga sa Dreamscape, sila talaga ‘yung nag-aalaga sa amin ni Ronnie.
“Makakaasa sila na gagalingan namin sa bawat opportunity na ibinibigay sa amin,” sey ni Loisa.
Ang Pira-Pirasong Paraiso ay mula sa direksiyon nina Raymund B. Ocampo at Roderick Lindayag.
Bukod sa Loinie ay kasama rin sa serye sina KD Estrada, Alexa Ilacad, Elisse Joson and Charlie Dizon.
Also in the cast are Joseph Marco, Sunshine Dizon, Markus Paterson, Epy Quizon, Art Acuña, Liza Diño and with the special participation of Snooky Serna.
Mapapanood na ito simula sa July 25, Martes, sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2z at TV5 tuwing ala-3 nang hapon.
Comments