top of page
LET’S SEE - MIKA AT WILL, BUKING NA LUMIPAD PA-HK_Reddit.png

Kasal kay Vincent, ‘di natuloy… BEA, BALIK-TAPING NA ULI SA GMA-7

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 2 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 19, 2026



TEKA NGA - BEA, BALIK-TAPING NA ULI SA GMA-7-IG _beaalonzo

Photo: IG _beaalonzo



Dalawang beses nang naudlot ang pagpapakasal ni Bea Alonzo. Una kay Dominic Roque at pangalawa sa billionaire businessman na si Vincent Co. 

Parang may laging humahadlang sa katuparan ng pangarap niyang makasal at magkaroon ng sariling pamilya.


Parehong pre-nuptial agreement ang sinasabing dahilan kaya hindi natuloy ang pagpapakasal ni Bea kina Dominic at Vincent. Mukhang hindi siya itinadhana para sa dalawa.


Sa edad niyang 38, dapat na talagang mag-asawa si Bea kung gusto pa niyang magkaanak. Karamihan sa mga babaeng lagpas 30 na ay mas nahihirapan nang magkaanak.


Well, kung anuman ang nakatakda para sa kanya ay handang tanggapin ni Bea. Hindi man natuloy ang kasal nila ni Vincent Co, tuloy pa rin ang ikot ng mundo. May mga commitments siyang dapat harapin at tapusin. 


Nag-resume na siya ng taping para sa seryeng Whispers From Heaven (WFH) ng GMA Network. At dahil professional si Bea Alonzo, the show must go on.





Pati si Mariel, damay sa pamba-bash… 

SEN. ROBIN, MAS LOYAL NA KAIBIGAN KESA SENADOR NG BANSA



Bilang asawa, apektado si Mariel Rodriguez sa pamba-bash ngayon kay Sen. Robin Padilla.


Biglang gumuho ang magandang imahe ni Robinhood dahil sa pagtatanggol niya kay Sen. Bato dela Rosa. Marami sa mga bumoto at nagluklok sa kanya bilang number one senator noong 2025 election ang nadismaya umano sa kanya ngayon.


Mas pinahalagahan daw ni Sen. Robin ang friendship nila ni Sen. Bato kaysa sa kanyang tungkulin bilang public servant.


Ganunpaman, may mga nagsasabing hindi naman lubusang masisisi si Sen. Padilla dahil hindi niya basta matatalikuran ang isang kaibigan at kaalyadong tulad ni Bato. Ganoon siya ka-loyal na kaibigan.


Mahirap ang sitwasyon ni Mariel Rodriguez dahil pati siya ay nadadamay sa pamba-bash dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang mister. May mga kaibigan din sila sa showbiz na nagre-react sa naging partisipasyon ni Sen. Robin Padilla sa isyu ni Sen. Bato dela Rosa.





After Ricci, 2 taon ‘di nagdyowa… 

ANDREA, KAYA RAW MABUHAY NANG WALANG LALAKI



SA latest one-on-one interview ni Andrea Brillantes sa YouTube (YT) channel ni Karen Davila, inamin ng young actress na pagkatapos ng breakup nila ni Ricci Rivero ay dalawang taon silang walang communication at hindi nag-uusap.


One year din siyang hindi nag-entertain ng mga suitors at hindi nakipag-date kahit kanino. Mali raw ang inaakala ng marami tungkol sa kanyang pagkatao na hindi siya nababakante pagdating sa love life. Tinutulan ito ni Andrea at aminadong nasasaktan din siya sa ganoong impresyon ng mga tao sa kanya.


Kapag nagmamahal siya ay ibinibigay niya ang lahat ng kanyang atensiyon at panahon sa lalaking mahal niya. Ganunpaman, madali lang daw siyang naka-recover dahil nagpapakaabala siya sa trabaho.


Lagi rin niyang tinatandaan na, “There’s more to life than boys.” At hindi siya ang tipo ng babaeng boy-crazy o male-centered.


Marami rin namang nanligaw at nagpaparamdam kay Andrea nang mag-break sila ni Ricci Rivero. May non-showbiz na rin siyang someone special na isa ring athlete.

Mukhang sa mga atleta malakas ang karisma ni Andrea Brillantes. At dahil maganda siya, hindi siya loveless ngayon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page