top of page
Search
  • BULGAR

Kasal, ayaw nang matuloy ng mga kamag-anak ng guy… AKTRES, PAINOSENTE NANG MA-BASH ANG EX-BF SA HIWALAYAN NILA

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Marso 9, 2024



BLIND ITEM:


Naguguluhan ang aming source tungkol sa ex-lovers na aktres at aktor dahil lagi pa ring magkasama gayung inamin naman nilang hiwalay na sila.


Sabi, inamin ng dalawa na okay naman sila kahit hiwalay na dahil mananatili raw silang magkaibigan.


Ang tanong lang ng lahat ay kung matutuloy ba ang kasal ngayong taon?


Kuwento ng aming source, “Base kasi sa tsikahan ng friends namin, parang oo na hindi na.  Oo, kasi nanghihinayang ang mga nakapaligid sa dalawa na hindi matuloy, especially ang mga friends nila. 


“Hindi na, kasi ‘yung sa relatives ni boy ay sobra silang nasaktan kasi lumabas na siya ang may kasalanan at sobrang binash siya.


“Si girl naman, feeling innocent kaya dedma siya sa nangyayari, pero actually, malaki ang part niya sa hiwalayan.


“Saka ang laki na ng nagastos para sana sa kasal nila, ang sosyal ng prenup shoot na si girl mismo ang namili ng lugar, sayang talaga.” 


Binanggit sa amin kung saan ginanap ang prenup shoot at talagang napa-"Wow!" kami. 


Then, sa pagkakaalam namin ay isang couple pa lang ang kinunan para sa prenup sa naturang lugar.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page