Kasabay ng pagbubuntis Iya Villania, may COVID-19
- BULGAR

- Jan 10, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | January 10, 2022

Nagpositibo sa test sa COVID-19 ang host na si Iya Villania.
Sa kanyang Instagram post ngayong Lunes, ipinakita ni Iya ang larawan ng kanilang sitwasyon sa bahay, kung saan ang tatlong anak na sina Primo, Leon, at Alana ay nakatingin sa kanyang mula sa isang glass door na naghihiwalay sa kanila para mag-isolate na.
“Drew and I are still hanging onto that little chance that maybe the kids are spared,” caption ni Iya sa IG post.
Ginawa ito ni Iya para na rin sa mga magulang na pinagdaraanan ang katulad na sitwasyon, aniya, “have to endure not hugging and kissing their children.”
Ani pa ng Kapuso host matapos na malamang positive siya sa COVID-19, “this was the hardest thing to accept.”
“Primo gets it, Leon is okay too because he follows his kuya’s lead, but Alana?? Boy, it broke my heart to see her cry for me and not being able to console her even for a bit,” pag-amin ni Iya.
“My tip? Try not to cry!!!! Coz the tears will only cause nasal congestion and lengthen recovery!” paliwanag ni Iya sa mga nanay dumaranas ng gaya niya.
“I know, I know… ang hirap! Man, I CRIED!!! But you have to get over it as soon as you can and get in that speed car towards recovery for your family,” dagdag niya.
“Kapit guys! There’s a whole bunch of us! We can do it!” sabi pa ni Iya.
Noong nakaraang Lunes, inanunsiyo nina Iya at ng asawang si Drew Arellano na buntis siya sa ikaapat na baby nila.








Comments