Kasabay ng engagement… KASAL NINA ARJO AT MAINE, SA JULY 28 NA
ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 2, 2023

Personal na inihatid nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang wedding gift nila para sa kanilang mga ninong sa kasal na sina Tito Sotto at Joey de Leon.
Ani Joey sa kanyang Instagram post, “The month of JULY will surely be one, if not the most memorable this year — The Dabarkads moving to TV5, the 44th anniversary of our beloved Eat… Bulaga! and the “very special day” of our inaanaks, Arjo and Maine. So honored and thankful.”
Comment ng netizen na wala na ngang urungan ang kasalan nina Maine at Arjo, “Tuloy na tuloy na with gifts to the Ninongs. Loved it! Congrats guys on your upcoming very special day.”
Hinanap naman ng isa pa ‘yung regalo ng soon-to-be husband and wife para kay Bossing Vic, “Nasaan ‘yung para kay Bossing Vic? Ay, baka ‘di lang nai-post.”
Anyway, wala pang ibinibigay na date ang celebrity couple kung kailan gaganapin ang kanilang kasal ngayong buwan ng July.
May mga nagsasabi nga na baka sa July 28 na rin ang date ng kasalan ng dalawa, since ito rin ang araw kung saan sinagot ni Maine si Arjo at ito rin ang araw kung saan na-engaged ang magkasintahan.





Comments