top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg

Kasabay ng b-day ng Pasig mayor… CONEY, IPINAKITA ANG RELASYON NILA NI VICO BILANG MAG-INA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | June 19, 2026



Vic, Vico Sotto at Coney Reyes - Instagram

Photo: Vic, Vico Sotto at Coney Reyes - Instagram



Todo-post si Coney Reyes ng isang pambihira at makabagbag-damdaming throwback photo ng kanyang tatlong anak na sina LA Mumar, Carla Mumar at Pasig City Mayor Vico Sotto noong mga bata pa.


Kasabay ng larawan, nagpahayag si Coney ng pasasalamat sa Diyos para sa pagkakataong maging ina sa kanyang mga anak.


Tinawag niya ang mga ito bilang mga “pag-ibig ng buhay ko” at ipinanalangin na ang kanilang pamilya at mga susunod na henerasyon ay patuloy na mamuhay nang may pananampalataya at paggalang sa Panginoon.


Mas naging makahulugan ang kanyang post dahil ibinahagi niya ito noong Hunyo 17, na siya ring kaarawan ni Vico Sotto.


Maraming netizens ang naantig at nagpahayag ng paghanga sa matibay na samahan ng kanilang pamilya.


Si Vico, na anak nina Coney Reyes at Vic Sotto, ay kasalukuyang nagsisilbing alkalde ng Pasig City at muling nahalal para sa ikatlong sunod na termino noong 2025.


Ang throwback photo at mensahe ni Coney ay nagsilbing paalala sa marami tungkol sa kahalagahan ng pamilya, pasasalamat at pananampalataya sa pagpapalaki ng mga anak.





Kasabay ng pagiging ina at pagkanta… 

ANGELINE, PROUD NA NAKA-GRADUATE NG COLLEGE SA EDAD NA 36



ISANG mahalagang tagumpay ang ipinagdiwang ni Angeline Quinto matapos siyang makapagtapos ng kolehiyo sa edad na 36 habang sabay na ginagampanan ang kanyang mga tungkulin bilang ina, misis at aktibong artista.


Nagtapos si Angeline ng Bachelor of Science in Business Administration, major in Marketing Management, bilang bahagi ng Class of 2026 ng Immaculada Concepcion College (ICC).


Sa kanyang emosyonal na mensahe, inamin ng singer-actress na hindi pa rin siya makapaniwala na natupad na ang isa sa kanyang mga matagal nang pangarap.

Aniya, “‘Di pa rin makapaniwala sa aking nakikita. Lahat ng panalangin ko ngayon, may kasagutan.”


Sey pa ni Angge, “Sa kabila ng puyat at pagod, kasabay ng pagiging nanay kay Sylvio and Sylvia, kasabay ng mga shows, music events, out of town and out of the country, shoot ng series, kinaya ko.”


Nagpasalamat siya sa kanyang pamilya, lalo na kay Nonrev Daquina at sa kanilang mga anak, na nagsilbing inspirasyon niya upang magpatuloy.

Nagbigay din siya ng pasasalamat sa kanyang mga propesor sa ICC para sa kanilang paggabay at pag-unawa.


Isa sa pinakamadamdaming bahagi ng kanyang mensahe ay ang pag-alala niya sa kanyang yumaong inang si Mama Bob.


Mensahe niya, “And Mama… My angel in heaven, this is the moment I wish I could share with you the most. I love you forever, Ma.”


Nagbigay din siya ng inspirasyon sa kanyang mga tagasuporta at sa lahat ng may pangarap.


Aniya, “Walang pinipiling edad ang pagtupad ng pangarap.”


Marami sa kanyang mga tagahanga at kapwa-artista ang bumati at nagpahayag ng paghanga sa kanyang determinasyon. 


Naging inspirasyon ang kanyang tagumpay sa maraming working parents at adult learners na patuloy na nagsisikap maabot ang kanilang mga pangarap.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page